Chapter I Trabaho

1690 Words
MAINGAY NA TUNOG ng mga sasakyan na parang alarm clock sa umagang kay aga-aga.Alas singko pa lang ng umaga pero heto ako mulat na mulat na para maghanda sa paghahanap ng trabaho. It's been a year na rin pala ang lumipas mula ng nilisan namin mag-kakapatid ang aming probinsya sa Isabela.Dito sa may Bulacan kami napadpad gamit ang pera na naipon ko noon mga panahong nagtatrabaho pa ako sa ibang bansa.Mahirap makipagsapalaran sa una para sa akin lalo na nagdadalang tao ako that time pero kinakaya ko at nag-sumikap para may makain kami magkakapatid at sa awa naman ng diyos ay naitaguyod ko ang pangangailangan namin. Mabilis ang kilos na bumangon na ako pero may pag-iingat mula sa higaan namin kutson na manipis para hindi magising ang dalawa kong chikiting na himbing pa sa pagkakatulog.Hinalikan ko muna sa noo ang bawat isa at inayos ang kumot ng mga ito bago tuluyan lumabas ng kwarto namin na tanging kurtina lang ang nakaharang sa may pintuan. Sa may kusina ako nagtungo pagkatapos maghilamos at mumog ay agad na akong nagpainit ng tubig sa takore na isasalin ko sa may thermos para sa pangkape mamaya nila.Nagluto na rin ako ng almusal nila bago maligo maya-maya lamang.Hindi naman masyado kalayuan ang paghahanapan ko ng trabaho kaya okay lang na mga alas sais na ako umalis. "Magandang umaga ate, ang aga mo po ata nagising?" Bati ng kapatid kong si Joana na nagkukusot pa ng mga mata bago dumiretso sa lababo para maghilamos at mumog na rin. "Oo bunso magh-hahanap ako ngayon ng pwedeng mapasukan na trabaho kahit d'yan lang sa palengke."saad ko sa kanya na nagtimpla na rin ng sarili nitong kape. "Gano'n ba ate, mag-ingat ka." "Oo naman, kayo na muna ni Justin ang bahala sa dalawang bata.Hindi naman siguro ako aabutin ng dilim sa paghahanap.May iniwan ako pera nasa damitan ng kambal pambili niyo ng ma-memeryenda mamaya at mai-ulam sa tanghali." Malumanay kong sagot sa kapatid ko bago nag-umpisa na kumain.Nakaligo na rin naman ako eh at saka nakabihis na rin ng damit na panlakad.Nakahanda na rin ang dadalhin kong bag kung saan may ilang resume ako dala doon.Siniguro ko rin na nandoon ang mga valid id's ko, pera at ang lumang selpon ko na chinarge ko kanina para mapuno ang baterya. Pagkatapos kumain ay nag-sipilyo na ako bago muling bumalik sa loob ng kwarto naming mag-iina para halikan ang mga anak ko na tulog pa rin. "Joana ang mga anak ko huh, aalis na ako.Sabihin mo na lang sa dalawang bata na nag-hahanap ako ng work.Ingat kayo rito." "Sige ate ingat ka.Text ka na lang pag-pauwi ka na."sagot naman agad ng kapatid ko sa akin matapos ko magpaalam sa kanya at tuloy-tuloy na lumabas na ng bahay namin. Nagpara ako ng masasakyan at nagpahatid sa may palengke na malapit.Dito ko umpisahan na maghanap ng trabaho na pwede kong mapasukan.Lakad dito ,lakad roon ang ginawa ko hanggang sa sumapit ang tanghali na nga-nga pa rin ako sa paghahanap.Apaka bokya ata ko ngayon na makahanap ng trabaho. Naglakad pa ako nang naglakad hanggang sa napadpad ako sa isang magarang subdivision.May nakita rin ako na nagtitinda na isang babae sa malapit sa subdivision kaya naman nilapitan ko para magtanong. Kahit kasambahay na lang papatusin ko na basta ba may makuhang trabaho ako at hindi uuwing sawi! "Ganda pabili nga ako ng palamig at siopao tig-isa lang." Salita ko sa babae ng makalapit sa pwesto nito.Agad rin naman ako pinagbilhan nito. Gumilid lang ako sa tabi para doon kainin ang binili.Nagutom na ako kakahanap ng trabaho.Kailangan ko rin magtipid sa paghahanap ng mapapasukan na trabaho kesa sumakay ako ng sumakay paano ako makakahanap di ba?Mamaya na lang ulit ako sasakay pag-pauwi na kung papalarin man na may mahanap na trabaho ngayon bago magtakipsilim. "Mmm..ganda pwede magtanong?" "Ano iyon?"sagot agad nito nang marinig ang pagsasalita ko. "May naghahanap ba diyan sa loob ng subdivision na kasambahay?" Turo ko sa tapat ng subdivision na halatang may mga sinabi sa buhay ang nakatira. "Di ko sure girl, pero narinig ko lang na may naghahanap nga daw riyan sa loob na magiging kasambahay.Dehins ko lang alam kung kanino bahay.Magtanong ka na lang dun kila manong guard!"susog na salita sa akin ng babae nang sagutin nito ang tinanong ko. "Sige ganda salamat!" Nakangiti ko pasasalamat sa babae bago lumiban na sa kabilang kalsada at lumapit sa may guard house.Huminga pa ako ng malalim bago naglakas loob na magtanong. "Kuya guard pwede magtanong?" Kinakabahan ko salita sa guard na agad tumalima palapit sa akin. "Ano 'yon?" "Mmm..may naghahanap po ba d'yan sa loob na maging kasambahay?Mag-apply po sana ako,"aniya sa guard na agad tumango kaya naman nagliwanag bigla ang mata ko sa tuwa. Nagkaroon ako ng pag-asa na makahanap ng trabaho. "May resume ka ba dala d'yan?Pahingi ng isa itatawag ko sa loob."saad pa ng guard sa akin kaya dali-dali ko nilabas ang isang resume na may picture ko. "Eto po kuya guard."nakangiti ako ng bahagya ng i-abot ko dito ang hawak kong resume. "Okay.Sandali lang tatawag lang ako sa loob sa naghahanap ng kasambahay." "Sige po.Salamat!" Naghintay nga ako sa isang gilid.May mga sasakyan kasing paroo't parito na nadaan papasok at papalabas.Kalahating oras rin ata ang pinaghintay ko bago ako sitsitan ng guard para palapitin sa pwesto nito. "Dadaanan na lang daw mamaya ni Bossing ang resume mo at siya na lang daw kokontak sayo kapag nagustuhan ka niya kuhain.Iwan mo na itong resume mo.Hintayin mo na lang ang tawag o text." "Sige po, salamat po ulit!"maaliwalas ko sagot kay kuya guard na tumango lang bago bumalik muli sa loob ng guard house. Lumiban na muli ako patungo sa kabila para makauwi na rin ako.Lalakarin ko na lang hanggang sa may sakayan. "Oy, girl ano naghahanap pa ba daw?" Usisa sa akin ng magandang tindera na binilhan ko kanina. "Oo salamat.Pinaiwan na lang ang resume ko.Sana makapasok ako kailangan na kailangan ko ng trabaho talaga eh."saad ko pabalik dito na ngumiti sa akin kaya naman ginantihan ko rin ng pagngiti pabalik dito. Hindi na rin ako nagtagal doon.Naglakad na ako paalis para makauwi na.Dumaan rin ako sa bakery para bumili ng pasalubong na tinapay sa kambal ko. Malayo pa lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang dalawang anak ko na naglalaro sa labas ng bahay namin.Napangiti pa ako ng mapansin na ni Nexxus ang eldest ko sa kambal—ang nauna na ilabas ko bago ang kakambal nitong si Nixxon. "Nanay!" Masigla nitong sigaw sabay takbo palapit sa akin para salubungin ako nito na ginaya rin ng kakambal nito. "Tagal mo naman dating nanay eh, rararo kami ni kambal bantay kami ni tita!" Ngumiti siya kay Nixxon na siya nagsalita matapos ng mga ito mag-mano sa akin at humalik sa pisngi. "Naghanap lang po ng work si Nanay kaya natagalan po sa pag-uwi.Eto oh may pasalubong sa inyo si Nanay." Saad ko sa dalawang anak sabay taas ng supot ng tinapay na dala ko.Nagtatalon naman sa tuwa ang kambal at may kasama pang pag-palakpak.Inakay ko na rin ang mga anak ko pabalik sa loob ng bahay namin. Sinalubong rin ako ng kapatid ko na si Joana. "Kumusta ang naging lakad mo ate?May nahanap ka ba trabaho?" Nilingon ko ang kapatid na siyang nagtanong sa akin habang nanguya na ito ng tinapay. Nasa may kusina na sila ng mga sandali na iyon. "Meron naman kaso mag-aantay pa ako na tawagan o kaya i-text."sagot ko sa kapatid na tumango-tango lamang. "Saan naman ate?Anong trabaho?"si Justin na nakain na rin ng tinapay na katabi ni Joana. Fraternal twins nga pala ang kapatid ko at ito na rin ang bunso kong mga kapatid.Kambal man ang mga ito ay magkaiba naman ng pag-uugali. "Kasambahay sa isang subdivision, kung papalarin makapasok.Pinaiwan lang kasi ang resume ko muna." "Ah kaya mo ba ate?Saang subdivision?" Pagtatanong pa ng kapatid ko na lalaki. "Ayon lang hindi natingnan ang pangalan ng subdivision.Siguro pag tinawagan ako at nakabalik doon sabihin ko sa inyo kung saan ako mag-tatrabaho."aniya ko na lang sa kapatid. Bakit nga ba nakalimutan ko basahin man lang ang pangalan ng subdivision na iyon? Nawala rin naman sa isip ko kasi! "Nanay wowork na po ikaw?" "Hindi pa po kuya Nexxus wait pa ni Nanay na tawagin."nakangiti ko sagot sa anak. "Ah..sino na babantay sa amin ni kambal nag-wowork ka na Nanay?Pag-rararo kami sa labas sino babantay sa amin?"si Nixxon na sumimangot pa ng bahagya ng sabihin iyon. "Sila tita at tito muna po ang babantay sa inyo habang bakasyon po sila sa school. Kailangan ni nanay magwork para may mabaon kayo sa school pag pumasok na kayo."aniya ko sa anak na agad ngumiti ng marinig ang sinabi kong school. Sa totoo lang kaka limang taon pa lang ng kambal ko at masasabi ko na malaking bulas ang mga ito kaya hindi halata sa edad. Magaling na rin magsalita at mabilis makaintindi.Matalino rin at higit sa lahat magkamukha nga pero magkaiba ng hilig. Ang eldest ko si Nexxus mahilig sa numbers at ang kakambal nito si Nixxon naman mahilig sa mga blocks na binubuo. Advance na nga minsan ang isip ko sa magiging future ng anak eh.Lalo na pag tinitigan ko ng mabuti ang kambal ay naaalala ko ang isang gabing iyon—isang gabi na nakipagtalik at naisuko ko ang p********e ko sa hindi kilalang lalaki pero ang itsura nito na tumatak sa isipan ko hanggang ngayon na hindi ko nakakalimutan.Habang lumalaki rin kasi ang kambal ay nakikita ko ang pagkakapareho ng mga ito sa ama—sa ama ng mga ito na ni pangalan ay hindi ko alam. Napabuntonghininga ako ng sumagi sandali sa isipan ang nakaraan.Kinalabit naman ako ni Nexxus na humihingi pa ng tinapay kaya nilingon ko ito at binigyan.Kinagabihan naman pagkatapos namin kumain ay maaga nakatulog ang mga anak ko.Ako rin maaga na lang rin namahinga.Sa-sideline muna ako bukas sa paglalako ng banana cue at turon pangdagdag kita rin habang inaantay ko na tawagan ako.Panibagong bukas na naman ang gagawin ko na pakikibaka sa hamon ng buhay.Everyday is a new beginning for them and everyday is always like a challenge to them.Bagong umaga para sa panibagong pagsisimula para sa pagbabanat ng buto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD