TULOG NA TULOG pa ang kambal ng mapagpasyahan ko na bumangon na para maghanda sa gagawing pag-alis maya-maya lamang.Alas singko pa lamang ng mga oras na iyon pero ang dalawa kong kapatid ay gising na rin kaya naman todo ang pagbibilin ko sa dalawa habang nasa kusina kami ang nahigop ng mainit na kape.May nakasalang na rin ako na kanin at maya-maya ng konti ay ang pang-ulam naman namin ang lulutuin ko.
"Mag-ingat kayo rito palagi huh.Joana,Justin. Wag basta-basta magbubukas ng pinto sa gabi o araw pag hindi kilala.Magtetext at tatawag ako palagi pag hindi busy sa trabaho.Ang kambal kayo na muna ang bahala."
Nakangiti kong saad sa dalawang kapatid ko na may lungkot sa mukha.Ako rin naman nalulungkot hindi ko lang pinapakita dahil baka bigla na lang ako maiyak.Lalo na pag naiisip ko na sa gabi ay hindi ko katabing matulog ang kambal.Ngayon pa lang ay namimiss ko na sila, hindi pa nga ako naalis eh!
"Oo ate, ikaw rin mag-ingat ka po doon.Pag nagkaproblema ka ate tawag ka lang."aniya ni Joana sa akin bago yumakap kaya niyakap ko rin pabalik.
"I-send mo na lang ate ang address ng bahay ng pagtatrabahuhan mo para pag may emergency alam namin kung saan ka pupuntahan,"segunda naman na saad ni Justin kaya tumango ako dito.
"Oo mag-text agad ako sa inyo pag nakarating na ako doon."aniya ko sa dalawa ng mahigop ang konting laman na kape sa tasa ko bago tumayo at nilagay sa lababo ang ginamit.
Inumpisahan ko na rin na ihanda ang lulutuin na pang-ulam namin.Magluluto ako ngayong umaga ng adobo at dadamihan ko na para hindi na magluto mamayang tanghali ang kapatid ko.Ipagluluto ko rin ang kambal ng pritong hotdog at itlog na prito rin.
"Sige ate."
Sagot ni Justin sa akin bago tumayo na rin at dinala sa lababo ang tasang ginamit.Lumabas na rin ito ng kusina habang so Joana naman ay tinulungan ako sa pagluluto.Six thirty ng matapos kami at inihain na sa lamesa ang pagkain. Maya-maya lamang ay paniguradong gigising na ang kambal ko.Sinilip ko rin ang dalawa sa kwarto at halos mapangiti ako ng makitang magkayakap pa ang magkapatid. As always ganito ko lagi nakikita ang kambal ko magkayakap na natutulog.
Bago mag-alas siyete ay gumising na nga ang kambal na mumukat-mukat pa ng lumabas ng kwarto.
"Good morning mga babies ko,"
Bati ko sa kambal ng makita ko agad ang mga ito.
"Mowning po Nanay,"
Naghihikab pa ng sabay na salita ng kambal sa akin.Ngumiti ako sa kambal bago ginulo ng bahagya ang sadyang magulo ng buhok ng mga ito bago hinalikan sa pisngi ng bawat isa.
"Maghilamos at umihi na muna kayo kambal bago dumulog sa lamesa.Iimisin lang ni Nanay ang hinigaan niyo.Wait niyo si Nanay sa lamesa.Okay!"utos kong saad sa kambal na sabay pang tumango sa akin.Nagpunta nga banyo ang kambal at ako naman ay pumasok na sa kwarto namin at mabilis ang kilos na naglinis agad.
Sabay-sabay kami kumain hanggang sa sumapit ang oras ng pag-alis ko.Alas otso y medya pa lamang naman pero napagpasyahan ko na magtungo na sa papasukang trabaho.Nagpaalam muli ako sa kambal na nagsipag-iyakan pa kaya hindi agad ako nakaalis dahil inalo ko pa ang kambal at binola-bola.Buti na lang tumahan na rin ng mapakiusapan ko ang dalawa.Kaya ang lagay ay alas nueve na ako nakaalis sa bahay namin.
"Kuya para po sa tabi lang po."
Agad kong salita sa sinakyan para pahintuin ito sa tapat ng subdivision.Mabilis na bumaba agad ako at lumapit sa may guard house.Nakilala naman ako nun guard na naghatid sa akin nun nakaraan sa loob kaya mabilis na pinapasok ako at hinatid muli sa bahay ng magiging amo ko.
Huminga ako ng malalim ng ilang beses ng nasa may tapat na ako ng gate.Pinindot ko rin ang doorbell na agad bumukas.Bitbit ang gamit ay pumasok na ako sa loob at nagulat pa sa pagsara ng gate.Napahawak tuloy ako sa may bandang dibdib ko.Hindi pa ako nakakakatok sa may sliding glass door ng bumukas iyon at bumungad sa akin ang nakangiting isang lalaki.Napakunot noo pa ako ng iniisip kung saan ko ba nakita ang lalaki.Nang mapagtanto na ito 'yon bumili sa paninda ko nun nakaraang araw ay napa 'Oh' na lang ako sandali ng labi ko bago nakahuma at batiin ito.
"M-magandang araw po Sir!"
Muntik ko ng batukan ang sarili ng mautal pa sana.
"Wow hindi ko alam ikaw pala ang magiging kasambahay ni Kuya.Nice to see you again,"
Masiglang bulalas ng lalaki sa akin na may malawak pa rinna pagkakangiti.Nahiya naman ako bigla ng natatandaan pa pala ako nito.
"Ako rin po Sir.Salamat po pala sa pagbili ng mga paninda ko."aniya ko na lang sa kawalan ng masabi at ngumiti ng bahagya dito.
"No problem.C'mon pasok ka sa loob.Feel at home wag kang mahihiya.Mamaya makikita mo na si Kuya siya ang magiging amo mo tulog pa lang sila.By the way I'm Onyx and you are?"
Napahinto ako sa paghakbang papasok ng magsalita ang lalaki.
"J-Jellybean po Sir,"
Nahihiya kong sagot dito na hindi pa rin mawala-wala ang pagkakangiti. Tumango-tango ito.
"Welcome sa aming bahay ay mali kay kuya pa lang bahay.D'yan lang nga pala sa labas ang bahay ko katapat ng bahay ng kakambal ko si Oreo."aniya pa nito na ikinangiti ko lang ng bahagya.
Humakbang na rin ako papasok at gumawi agad sa magiging kwarto ko.Tutulungan pa sana ako ni Sir Onyx na bitbitin ang bag ko tinanggihan ko lang dahil nakakahiya dito. Pagkapasok sa loob ng kwarto ay mabilis ang kilos na sinalansan ko ang mga damit sa drawee na naroon at inayos.Nang mailagay na ang lahat at maayos na nakapatas ay lumabas na ako ng kwarto para mag-umpisa sa pagtatrabaho.Sa kusina ako nagtungo agad para makapagluto na ng pagkain pero halos mapatili ako sa gulat ng mabungaran si Sir Onyx na nakahubad pang-itaas at may apron na suot lamang habang nakaharap sa may lababo at may kung anong ginagawa doon.Mabilis na tumalikod ako at kinalma ang kumakalabog na dibdib sanhi ng kaba.
"Hey are you okay?"
Narinig kong salita ni Sir Onyx kaya kahit naiilang ay humarap ako dito.Kabastusan naman kasi kung hindi ako haharap habang kinakausap nito still amo ko rin ito.
"O-okay lang po Sir.N-nagulat lang po.Ako na po d'yan at sa pagluluto."aniya ko at mabilis na lumapit sa may lababo.Patay malisya na lang sa ayos ni Sir.
"Okay, kumain ka na ba?"ani pa nito ng tumabi ng bahagya at bigyan ako ng epasyo sa harap ng lababo.
"Opo Sir, tapos na po."sagot ko dito na hindi tumitingin sa gawi nito.
"Ganon ba.Coffee you want?"
"Tapos na rin po Sir.Salamat po sa pag-alok."
Saad ko at bahagyang sinulyapan ito na nagkibit balikat lang bago umalis sa pwesto at lumapit sa coffee maker.Naggawa ito ng sariling kape nito bago muli tumabi sa akin at pinanood ako sa ginagawa ko na nagiging dahilan para mailang ako.Mga seafoods ang hinuhugasan ko sa lababo.
"Ilang taon ka na Jelly?Single, married or may jowa ka na?"
Hindi ko alam na ganito pala kadaldal ang lalaking ka close ni Sienna.Sunod-sunod rin ang tanong nito sa akin habang nasa tabi kp pa rin at nainom nh kape.
"Bente sais na po Sir, single mom po ako," mahinahon kong honest na sagot dito.
"Wow ang bata mo pa pala?May anak ka na rin.Great!Matanda ka lang pala ng isang taon sa akin.Twenty five pa lamang ako at si Kuya naman ay nasa trenta na.Kaya naman drop the 'Po' word okay!Just call me Onyx na lang."
Napangiwi ako sa sinabi ni Sir Onyx.Hindi ko yata kaya na tawagin ito sa first name basis lamang.Nakakahiya at saka isa pa baka may masabi ang ibang tao pag nagkataonna gano'n lang ang itatawag ko dito.
"Nakakahiya po Sir Onyx.Kapatid pa rin po kayo ng a—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sana ng may magsalita sa may pintuan at nagkukusot at humihikab pa ito na naglakad papasok at dumiretso sa gawi ng refrigerator.
"Good morning!"
Sabay kaming napalingon ni Sir Onyx sa bagong pasok na isang lalaki na magulo ang buhok, topless at higit sa lahat naka boxer short lang.Agad na nailang ako sa nakita. Jusko lord bakit ganito ang mga tao dito hindi ba uso ang magdamit?!pagtatanong ko sa isipan bago umiwas ng tingin ng lilingon na ang lalaki.
"Hey kuya!Good morning.Oh by the way kuys this is Jellybean ang makakasama niyo dito sa bahay.Jelly meet my eldest brother kuya Phoenix!"
Napatingin ako kay Sir Onyx bago tumingin sa kapatid nito at gano'n na lang ang pagsinghap ko ng makita ang kabuuan ng lalaki.Hindi ko na alintana ang half naked nito dahil mas lamang sa akin ang pagtitig dito.Napatulala rin ako at hindi na nakakibo sa kinatatayuan na akala mo ay napako na at may nakadikit na glue.Nakatingin lamang ako sa lalaki na napapakunot ang noo na akala mo ba ay kinikilala ako habang titig na titig riin sa akin pabalik.Nakalimutan ko rin yata sandali ang huminga at ang dibdib ko na nagkakagulo sa pagtibok ng malakas ang puso ko.Para rin may humahalukay at nagliliparan sa tiyan ko na hindi ko mawari!
Oh god!Anong biro po ba ito?Totoo po ba ito o guni-guni ko lang?Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay sa hindi ko inaasahang pagkakataon na sa ganitong sitwasyon ko pa siya makikita at ang masaklap pa ay magiging amo ko!Ang liit talaga ng mundo sa muli naming pagkikita na ito!