AT DAHIL NAMAHAY AKO kagabi ay halos antok na antok ako ngayong umaga.Pero ayos lang sa akin kahit puyat ako dahil ka video call ko kagabi ang kambal hanggang sa makatulog ang mga ito.Nabawasan kahit paano ang agaran pangungulila ko sa dalawang anak. Panay ang hikab ko habang nandito ako sa may laundry area para isalang sa washing machine ang mga kurtina.Walang epekto ang kape na ininom ko kani-kanina lamang dahil hanggang ngayon panay pa rin ang paghihikab ko.Nang maisalang ang labahin at ma-iset iyon ay iniwan ko na para makagawa pa ako ng ibang gawain.Hindi ko rin alam kung ano oras darating ang amo ko. Wala pa kasi text si sir Phoenix para mag-abiso sa pag-uwi. Inabala ko ang sarili sa mga sumunod na sandali.Hindi ko nga namalayan ang oras eh. Tanghalian na pala.Nagluto lang ako ng k

