bc

Our Last Sunset

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
heir/heiress
drama
bxg
gxg
mystery
nerd
campus
poor to rich
addiction
servant
like
intro-logo
Blurb

Ang pag-ibig ay para sa lahat.bata man o matanda'y maaaring makaramdam ng pagmamahal.may iba't ibang uri ng pag-ibig, una ay agape,Philautia,Mania,Ludus,Eros,Storge,Pragma,at Philia.sa unang pag-ibig ng dalagitang si Jazline o tinatawag sa pangalang Asami o di kaya'y Mazzy naramdaman niya ang uri ng pag-ibig ay naging mapaglaro lamang siya.ng makilala niya si Orgie ay nag seryuso nga ngunit natrauma din sa huli.sinabi niya sa sariling hinding-hindi na siya muling magmamahal dahil sa traumang pinagdaanan niya ngunit sa hindi inaasahan,mararamdaman niya ang ibang klase ng pag-ibig.pag-ibig na di niya inaasahan,pag-ibig na magbabago sa kanyang hangarin,isang klase ng pag-ibig na sisira sa pangako niyang ipinako niya sa pader ng pag-ibig. Ngunit paano niya ito kakayanin kung alam niyang hindi papayag ang mga magulang niyang sumailalim sa isang relasyon?muli pa kaya siyang susugal o kakalimutan na lamang ang lahat.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang pag-ibig ay para sa lahat.bata man o matanda'y maaaring makaramdam ng pagmamahal.kahit di mo gustuhin ay mararamdaman mo pa rin ito kahit ikaw ay bata pa man o hindi. Sa unang pag-ibig ng dalagitang si Jamysse Joy o tinatawag sa pangalang Asami o di kaya'y Mazzy naramdaman niya ang uri ng pag-ibig ay naging mapaglaro lamang siya.ng makilala niya si Giro ay nag seryuso nga ngunit natrauma din sa huli. Sinabi niya sa sariling hinding-hindi na siya muling magmamahal dahil sa traumang pinagdaanan niya ngunit sa hindi inaasahan,mararamdaman niya ang ibang klase ng pag-ibig.pag-ibig na di niya inaasahan,pag-ibig na magbabago sa kanyang hangarin,isang klase ng pag-ibig na sisira sa pangako niyang ipinako niya sa pader ng pag-ibig. Ngunit paano niya ito kakayanin kung alam niyang hindi papayag ang mga magulang niyang sumailalim sa isang relasyon?muli pa kaya siyang susugal o kakalimutan na lamang ang lahat. *** Umiiyak na nagtipa si Mazzy sa kanyang cellphone habang tinetext ang isang taon ng nobyo nitong si Giro.ilang araw na itong hindi nagr-reply,ang dahila'y busy sa college days. Maging ang dalagita'y hindi inaasahang mapapaibig siya sa mas matanda sa kanya ng limang taon.sa totoo lang ay diring-diri siya sa age gap,lalo na iyong mga nagmamahalan na malayong-malayo ang agwat sa isa't isa. Ngayon ay naiintindihan na niya anong pakiramdam niyon. Handa na siya.unti-unti na niyang tatanggapin na hindi na siya.simula noong magkolehiyo ito'y hindi na siya nito china-chat o tinetext man lang o kahit ay tumawag ay wala.kahit online ay hindi ito nagre-reply kapag china-chat ng dalagita.hindi naman nito sinasagot ang telepono kung tatawagan ito. Kung sasagot man ay sasabihan siya nitong may ginagawa at busy siya.ngunit parang may alam na ang dalagita sa ginagawa ng nobyo.alam niyang may iba itong kinakaabalahan na lingid sa kanyang kaalaman.noong nakaraang araw ay nakita ito ng kaibigan niya na may kasamang ibang babae sa isang sikat at mamahaling restaurant. Nung araw ding iyon ay nakita niya ang convo nila sa account ng lalaki,ng komprontahin niya ito'y itinanggi ito ng lalaki.ng sinubukan niya itong muling buksan ay nagpalit na pala ito ng password. Kinokontak niya ang mga magulang nito ngunit ang tanging sinasabi nito ay hindi ito umuuwi sa kanilang bahay dahil nandoon lang iyon sa condo nito naglalagi. Magi-isang oras na siyang nagtitipa at sa wakas ay natigil na din.naghintay siya ng ilan pang minuto upang hintayin itong magreply ngunit hindi ito sumagot.active 23H ago pa rin ito. Naibato niya ang phone sa kutson nitong kama at napasabunot sa buhok.hindi niya inaasahang sasayangin lang ng nobyo ang isang taon nilang relasyon.naiiyak siya dahil nasayang ang pagtakas nito gabi-gabi upang makasama siya,sayang lahat.sayang. Hindi man lang nito naisip ang mga circumstances na nagagawa ni Mazzy.halos lagi siyang napapagalitan kapag nalaman ng mga ito ang pagtakas nito.nanghihinayang siya sa lahat.sa oras,sa pagmamahal,sa mga bagay,sa mga gawaing hindi dapat gawin para sa lalaking iyon. Hindi nito inisip na hindi ganoon kadali ang magkaroon ng istriktong magulang.na halos ata pati paghakbang mo'y nakamasid sila sayo.palibhasa'y hindi ganoon ang mga magulang ni Giro. Malisyosa ang ina ni Mazzy kung kaya't maingat siya sa kanyang mga ikinikilos. "Minnie,nakapag-impake ka na ba?aalis na tayo before 3:30."Tawag ng kanyang ina sa labas.mabilis ang hakbang nito palayo kaya alam niyang papunta ito sa ikatlong palapag ng bahay kung saan naroon ang kwarto nilang mag-asawa. Pinahid ni Mazzy ang luha sa kanyang mga mata't mabilis na kumuha ng tuwalya sa kulay pink nitong kabinet at pumasok sa banyo.bahagya siyang naiinis dahil sadyang hindi niya totoong gusto ang pangalang iyon. "Jamysse joy is my name,not minnie."Napairap siya sa salamin saka tuluyang pumasok sa shower room upang maligo.mabilis lang iyon dahil malapit na maga-alas 3 ng hapon. Nagsuot lang siya ng puting sleeve na croptop at itim na pantalon.naglagay siya ng kaunting liptint sa kanyang labi dahil namumutla pa ito dala ng malamig na tubig.hinayaan lang niyang basa ang buhok dahil wala na siyang panahon na mag-blower dahil nag-iingay na ang ina niya sa labas ng pintuan. Van ang sinakyan nilang sasakyan dahil kasama ang mga katulong nila sa pagpunta sa probinsya.doon muna sila sa probinsya ng kanyang Lola Relbita mananatili ng dalawang taon dahil may inaasikaso ang ama nila sa negosyo roon.mukhang palugi na ito't kailangan talaga ng matinding pag-asikaso.sa probinsiya ng cebu. May limang row ng upuan sa loob ng van at sa pinakadulo si Mazzy naupo,ang dalawa nitong kapatid ay nasa likuran ng niya mama,kasunod nila ay ang mga katulong nila.walang laman ang ikaapat na row dahil pumwesto siya sa pinakadulo. Bored si Mazzy kaya dinukot nito ang kanyang headphone nito sa bag niya para makinig sa musika.nasa kalagitnaan siya ng pakikinig ng biglang tumunog ang phone niya.ng tingnan niya'y si Giro ito. Inaasahan niyang tatanggi ito,na sasabihin nitong hindi pwede ngunit hindi iyon ang tumambad sa kanyang mga mata.lihim na tumulo ang luha ng dalagita sa naging reply nito. From Giro: I'm sorry,Maze.nabusy lang pero salamat sa lahat ah?masaya akong nakilala kita. Inis niyang binato ang phone niya habang patuloy na pinapahid ang luha sa mga mata.malakas ang pagbato niyon na umabot sa inuupuan ng kanilang mga katulong.ng marealize iyon ay lumaki ang kanyang mga mata't mas mabilis pa kay spiderman na nakuha iyon. Napansin ata ng kanyang ama ng pamumula ng kanyang mga mata,halatang galing sa iyak. "You alright?why are you crying and why did you throw away your phone? "Tanong ng kanyang ama.pilit siyang ngumiti at wala pang segundo'y nakasagot din kaagad. "I'm fine po pa.naiinis lang ako sa pinapanood kong chinese drama,mas pinili kasi nong bidang lalaki ang kabit niya kaysa sa asawa niya."Sa totoo lang ay isa iyon sa kanyang pinanood.sumulyap siya sa kanilang dalawang katulong na muntik ng kunin ang phone niya ngunit normal lang din ang reaksyon ng mga ito.walang nakita. "Pasensya na ho,Yaya Doring,Esther."Paghinga niya ng paumanhin,ngumiti lang din naman sila at nagpatuloy sa pag-uusap patungkol sa kanilang mga lovelife. Nakisali din ang mga magulang ni Mazzy sa usapan,at mukhang naaliw din naman sila sa pakikipagsabayan.tahimik lang ang dalagitang nakamasid sa labas,nakikinig lang sa huni ng musika sa kanyang tainga. "E itong dalagita niyo ba'y may lovelife na?"Paasar na tanong ni Yaya Doring.matanda na ito,nasa may edad na 60s.ang anak nitong si Esther ay nasa 20 palang.ang dalawa pa nilang ibang katulong ay magkaedad lang din nasa edad 30. Hindi siya sumagot ngunit inilingan na lamang sila.tutal wala naman na talaga siyang lovelife,wala na. "Hindi pa pwede 'yan,pahihintuin talaga namin 'yan sa pag-aaral pag nalaman namin."Ang mama niya na ang sumagot.alam niya din naman na iyan ang isasagot ng mama niya. "Masyado pang bata si Jamysse,baka mabuntis pa ng umaga iyan."Saad ng kanyang ama.nagbiruan pa sila ngunit hindi na sila pinansin ng dalagita at pumikit upang matulog. Nagising lamang siya ng yugyogin siya ni Esther sa balikat upang sabihing nasa airport na sila.pagkarating na pagkarating nila sa cebu ay may susundo sa kanilang sasakyan na ipapadala ng lola Relbita niya. Sa eroplano,sa may bintana siya nakaupo upang doon sumandal,masakit kasi sa leeg kung sa katabi pa siya sasandal. napagod siguro siya kakaiyak at nakatulog sa byahe. Ang katulong nitong si Doring ang gumising sa kanya ng makarating sila sa cebu.tulad ng sinabi ng ina niya'y may sumundo nga sa kanilang puting van.nagpatugtog siya muli sa headset niya at nakinig ng magandang musika. Nang malapit na sila'y nadaraanan nila ang malubak na daanan.napaisip siya, Ganito din pala dito sa probinsya?masyado bang bulag ang mga tagapamahala at hindi napansin ang daan? "Magi-isang dekada na ako sa maynila ngunit hindi pa rin pinapaayos itong daanan."Rinig niyang saad ni Joana.hindi na nito narinig ang pinag-uusapan nila dahil nakatingin lang siya sa palayan na kung saan sa tuwid na daan ay makikita mo ang napakalaking gate. Sa palayan kung saan may taniman,nasa lima ang nagtatanim kung bibilangin at ang bibilis pa ng kamay nila.sa gilid ay may anim na lalaki ang nakaupo,mga binata ngunit malakas ang pakiramdam niyang nasa edad 18 pataas ang mga ito. Nanatili ang tingin niya sa isang lalaki,na sa tingin niya'y 18 palang ito,nakatitig lang ito sa kanya.hindi siya maitsura ngunit hindi din siya pangit. simple lang siya,sakto lang.pansin nga niya may matitigas itong braso dahil naka-sleeveless ito.tila ang tshirt nito na ang braso'y ginupitan para maging sleeveless. Moreno siya,may singkit na mga mata't may mapuputlang mga labi.hindi ganoon katangos ang ilong ngunit hindi din nakadapa. Iyong titig niya ay walang halong kabastusan,hindi katulad ng mga tambay sa syudad na kung tumitig ay halos hubaran ka na. kumbaga simple lang itong tumitig ngunit maiilang ka sa paraan niyon.gwapo siguro ito kung naging matangos ang ilong nito.umiwas na ang dalagita ng malayo na sa kanya't saktong bumukas ang gate at pumasok sila sa napakahabang kalsada. Lupain pala ito ng kanyang Lola.sa gilid ay may iba't ibang klase ng bulaklak.napakaganda niyon tingnan,di niya namalayang nakarating na pala sila sa mismong tapat ng malaking mansyon kung saan nakatayo ang kanyang Lola,sa likuran niya ay mga katulong.sinalubong sila ng mga ito't muling nabaling ang tingin sa malayong daan.naalala niya ang lalaki kanina at kung bakit ito nakatitig sa kanya ay wala na siyang pakialam at pumasok na sa loob ng mansyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faking it with the Hockey Badboy

read
10.7K
bc

The Prince's Rejected Mate

read
554.1K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
7.0K
bc

The Twin Alpha's Wanted Human Mate

read
4.4K
bc

Babysitting The Hockey Star's Niece for Christmas

read
1.8K
bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
355.6K
bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
531.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook