ROWENNA SANDOVAL Bumalik na ko sa kuwarto na binigay sa akin ni Keith pero ewan ko ba kung bakit kailangan niya pang sumama. Waah! Kahit yata isang segundo ay wala akong time para makapag-relax. Nawala nga ang mga alagad niya pero siya naman ang pumalit. "So, do you have a plan now how to get close with Ronald again?" Umupo si Keith sa kama ko habang ako naman ay nakatayo at inaayos ang mga damit na dala ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya inaayos ko na lang ulit. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil hanggang ngayon nga ay pinag-iisipan ko pa rin kung paano ko ulit makakausap ang isang 'yon. I don't even know if I could talk to him because I know that he is currently busy flirting to woman who holds his heart from the beginning. "Hindi ko alam. Hindi ba p'wedeng ikaw na

