ROWENNA SANDOVAL Napayuko na lang ako ng ulo nang marinig ko ang tunog na 'yon. Ano na? Titingin pa ba ko sa kanila o huwag na lang? Okay na yata sa 'kin na barilin na lang nila ko ngayon at patayin kaysa salubungin ang mga titig nila sa akin ngayon na kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko naman. "What the hell, woman! Your burf was smelly!" "Do you want to die? Bakit dito mo pa ginawa 'yan? Kung hindi dahil kay boss ay baka napatay na kita rito!" Napasimangot na lang ako sa mga galit na boses na naririnig ko. Tss. Hindi ko naman sinasadya kung mautot na lang ako bigla no? Kanina pa kaya masakit ang tiyan ko at kanina ko pa pinipigilan umutot. Kasalanan ko ba kung ngayon siya biglang lumabas? Waah! Sobrang nakakahiya talaga! Mamamatay na nga yata talaga ako ng wala sa oras.

