CHAPTER 2

1010 Words
ROWENNA SANDOVAL Pagkamulat ko ng aking mata ay mabilis kong inilibot ang aking paningin ko sa paligid. Napansin ko rin agad ang dalawang kamay at paa ko na hindi naman nakatali, pero hindi ko pa rin maiwasan magtaka. Nasaan ako? At bakit nandito ako ngayon sa kama? Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil hindi ko talaga alam kung anong plano ng lalake na kumuha sa akin at dinala ako rito. Tss. Akala ba ng lalaki na 'yon ay magkakaroon ako agad ng amnesia dahil sa ginawa niya? Hanggang ngayon nga ay naaalala ko pa rin ang mga masasakit na salita na binanggit sa akin ni Ronald e. Pero, mas gusto kong maalala ang tungkol sa mga masasayang bagay na ginawa naming dalawa. Katulad ng twenty four hours kaming nanatili sa kama. Unang mapagod, talo. Hindi ko tuloy maiwasan kiligin ulit sa tuwing naiisip ko ang tungkol doon. Hep-hep! Oo nga pala. Hindi ako pinanganak ng kung sino mang magulang ko para maging marupok. Tss. Tama na nga ang pagmumuni-muni na 'to at itutuon ko na muna ang buo kong atensiyon kung paano ako makakalabas dito. Tumayo ako at naglakad patungo sa direksiyon kung nasaan ang pintuan ng kuwarto na kinalalagyan ko. Sinubukan ko itong buksan at nanlaki ang mata ko dahil mabilis din naman akong nagtagumpay sa nais ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi ako makagawa ng kahit ng konting ingay at bahagya akong sumilip sa labas para alamin kung may nagbabantay ba sa akin ngayon. Mamaya ay baka bigla na lang ako barilin nito kapag bigla akong lumabas. Mamatay pa tuloy ako ng wala sa oras. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko dahil wala naman akong nakitang tao sa labas. Great! Mabuti na lang at mukhang walang utak ang kung sino mang nagkulong sa akin dito. Hinahayaan niya lang akong makalabas agad. Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang pintuan patungo sa labas. Med'yo nakakaramdam na nga ko ng pagkairita dahil ang dami kong nakikitang pinto sa bawat liko ko. Nasaan ba talaga ko at parang ang laki at ang daming kuwarto rito? Napatakip ako sa aking bibig dahil mali pala 'yong kuwarto na napuntahan ko. Akala ko ay isang ordinaryong habag-kainan lang ang napuntahan ko na may mahabang lamesa at kulay gintong mga upuan. May malaking chandelier pa sa taas, kandila sa lamesa at maraming mga mamahaling pagkain ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ko ay 'yong lalaki na nakaupo sa dulo. May nakapatong na baril sa harapan niya habang nasa tabi naman niya si Ronald na nakatali ang parehong kamay at paa. Nagpupumiglas ito at parang kanina pa siya pagod dahil kahit na may aircon naman sa loob ay kitang-kita ko pa rin ang pawis na namumuo sa kanyang mukha. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko. Ano kayang gulo ang pinasok ng mayabang na 'to at parang may hindi nangyayaring maganda sa kanya ngayon? Anyway, bago pa nila ko mapansin ay kailangan ko ng umalis dito. Tutal ay mukhang balak din naman nila kong umalis na lang ng walang ingay kaya hindi nila ko tinali e. Alam ko naman na naging syota ko rin si Ronald noon, pero hindi na ngayon. Mahal ko siya, pero mas mahalaga pa rin buhay ko sa kanya. Isa pa, hindi naman totoo ang lahat sa amin e. Teka nga lang. Bakit ba ko nagpapaliwanag ngayon? Tumalikod na ko ng hindi lumilikha ng kahit na anong ingay para hindi nila ko mapansin, pero hindi naman marunong makisama ang tiyan ko. Napakamot na lang ako sa aking ulo nang bigla na lamang tumunog ang tiyan ko at dahan-dahan ulit akong humarap sa dalawa. Sa pagkakataon na 'to ay nakaharap na silang dalawa sa akin. Nagtataka ang mga mata ni Ronald habang nakatingin sa akin habang 'yong isang cute na lalake naman ay walang emosyon na nakatingin sa direksiyon ko. Teka. . . Ito na ba ang pagkakataon na kailangan ko ng tumakbo? Wait lang. Tiyak na maaabot ako ng bala ng lalakeng 'to kahit tumakbo ako katulad ng mga nangyayari sa television. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa nagaganap na pagtatalo sa isipan ko hanggang sa bigla na lamang ako na-blanko nang kuhanin ng lalake 'yong baril na nasa harapan niya at itinutok niya ito sa akin. Pakiramdam ko ay bigla kong nakalimutan kung paano huminga. Nakatitig na lang din ako sa lalake na may hawak ng baril. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na si Ronald pala ay biglang tumingin sa direksiyon ng lalake at pansamantalang tinigil ang pagpupumiglas niya kanina pa. "Mr Romanova, don't involved her with our problems. She's an outsider!" Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa direksiyon ni Ronald. Pansamantala ko tuloy nakalimutan na nasa panganib ngayon ang buhay ko dahil sa expression na binibigay sa akin ngayon ni Ronald. Akala ko ay wala siyang pakialam sa akin at tapos na ang lahat sa amin ngayon, pero bakit ganito ang pinapakita niya sa akin ngayon? Hindi tumingin sa direksiyon ko si Ronald, pero naririnig ko pa rin ang pakiusap niya sa lalake kahit na med'yo malayo ako sa kanila. Tinawag niyang Romanova 'yong lalake kaya 'yon siguro ang pangalan no'n. Samantala, parang may himala naman na nangyari at binaba ni Romanova ang hawak niyang baril. Kaya lang ay may isang ngiti ang bigla na lamang sumilay sa labi nito. Bigla tuloy ako nakaramdam ulit ng kaba. "Stay there." Kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay batid kong ako ang sinasabihan niya. Parang may magic din ang bawat salita niya dahil sumunod din naman ang katawan ko sa dalawang salita ni Romanova. Napaka lamig at lalim ng boses ni Romanova. Kahit sino siguro ay susunod na lang bigla sa ano mang ipag-uutos niya. Lumapit ito sa akin at tumigil siya sa mismong harapan ko. Namalayan ko na lang ang lahat nang dumampi ang labi niya sa labi ko at nang magkahiwalay kami ay muli siyang tumingin sa direksiyon ni Ronald. "So, this is your weakness. Huh?" My skin shiver as I heard his words again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD