ROWENNA SANDOVAL
Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay isang matalim na titig ang pinukol ko sa kaharap ko si Romanova. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinuraan ko siya sa mukha dahil sa ginawa niya. Namalayan ko na lang ang lahat ng makita ko ang sarili kong laway sa mukha niya.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang baril sa kanan niyang kamay. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang makita ang pagbabago ng itsura ng kanyang mukha.
Lagot na! Nakalimutan kong may armas nga pala ang kaharap ko ngayon. Saan ba ko kumuha ng lakas ng loob para duraan ang guwapo nitong mukha?
Para mawala kahit papaano ang takot at kaba na nararamdaman ko ngayon ay tumingin na lang ako sa kulay asul niyang mga mata. May lahi pa yata ang isang 'to. Mas mahihirapan pa tuloy akong humingi ng tawad sa kanya kung sakali. Kulay asul kasi ang mga mata niya, pero hindi naman siya mukhang amerikano. Mas mukha siyang koreano at kahit na mukhang anghel ang kanyang mukha ay nakakatakot pa rin ang titig na binibigay niya sa akin. Ano mang oras ay tila handa niya kong patayin.
"Mianhe. Mian- Tsk!" Napapailing na ko ng aking ulo dahil hindi ko alam kung anong salita ang sasabihin ko sa kaharap ko ngayon.
Ay, teka. Baka amerikano talaga 'to? Nag-english naman siya kanina e. Baka half-half 'to. Gano'n.
I cleared my throat and tried to talk again.
"I. . . I'm sorry. Hindi sadya."
Napatapal ako sa aking noo nang maunawaan ko ang huli kong sinabi. Tagalog nga pala 'yon. Tumahimik na lang ako nang makita ko ang itsura ni Romanova na mas lalong dumilim dahil sa sinabi ko.
Sabi ko nga e. Tatahimik na lang ako.
"You. . . You sl*t! How dare you throw a spit on my face!"
Natigilan ako sa sigaw ni Romanova at pagkatapos ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay.
"R-Romanova! Don't touch her! She's not involved here."
Galit na lumingon si Romanova sa direksiyon ni Ronald habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Ako naman ay halos mamilipit na sa sakit dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"I will return later."
Tinalikuran na ni Romanova si Ronald at kasama niya pa ko palabas. Hindi ako sumusunod sa kanya ah. Hinihila lang naman niya ko. Hindi na lang ako umangal kahit na kanina pa humahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakahawak niya dahil baka mas lalo pa siyang mainis sa akin at barilin na talaga niya ko ng tuluyan.
Mabuti na lang din at wala kaming nakakasalubong na iba pang tauhan nitong kasama ko. 'Yong mga tao na nakita kong kasama ni Romanova kanina bago ako madukot.
Lumipas ang ilang minuto at huminto kami sa isang kuwarto na naman. So Romanova na ang nagbukas ng pinto. Tinulak niya lang ito habang hawak pa rin niya ang baril.
Pagkapasok namin sa loob ay hindi ko maiwasan na matigilan dahil sa aking nakita. Bakit may kama rito? I. . . I mean, bakit kami nandito? May balak ba siyang hindi maganda sa akin?
Teka lang! Alam kong hindi na ko virgin, pero ni hindi ko nga siya kilala ng lubos kahit na guwapo pa siya at lahian pa niya ko ng magandang anak.
Sinubukan kong kumawala sa hawak ni Romanova. Nagpumiglas ako, pero ni hindi man lang niya ko binalingan ng pansin. Sa sobrang lakas niya ay napapatanong na tuloy ako kung anong klaseng tao na siya.
"Aray!"
Napahiyaw na lang ako sa sakit ng ihagis niya ko sa mismong kama. Kahit malambot ang kama na binagsakan ko ay sumakit pa rin ang pu*et ko dahil sa malakas na pagkakahagis niya sa akin.
"Ano ba 'yan? P'wede mo naman akong ihagis ng mahinahon. Galit na galit? Humingi na nga ko ng tawad kanina e."
Hinimas-himas ko ang pu*et kong masakit habang bumabangon dahil napahiga rin ako sa kama. Pagka-upo ko ay agad din akong napahawak sa bibig ko. Tsk! Nakalimutan ko na hindi nga pala nakakaintindi ng tagalog ang isang 'to.
"I mean. . . I mean. . . P'wede bang tagalog na lang? Ang hirap kasi mag-english e," napapakamot kong saad sa kanya.
Tinitigan na naman niya ko ng masama kaya ngumuso na lang ako at tumahimik na lang dahil baka mas lalo ko pa siyang magalit.
"Remove your clothes now," he coldly stated.
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nagkamali ba ko ng dinig?
"Ano ulit?"
Inangat nga ang kamay niyang may hawak ng baril habang nakatingin pa rin siya ng masama sa 'kin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Mukhang hindi ako nagkamali. Kinabahan ako bigla.
"T-Teka. Bakit kailangan kong hubarin ang damit ko? FYI lang, hindi ako bayaring babae at lalong lalo na hindi ako mahilig sa tooth tooth." Umiwas ako ng tingin sa kanya bago ko pinagpatuloy ang pananalita ko. "Med'yo lang."
"Do I need to tell you the reason too? I'm hard since yesterday and now that you made a biggest mistake to me, you need to have your punishment."
Ang lamig pa rin ng mga mata niya habang nakatingin siya sa akin kaya hindi ko tuloy sigurado kung nagbibiro lang ba siya o talagang seryoso siya sa sinabi niya sa akin.
Gano'n pa man, nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Huh?" Kunwari akong natawa bago ko pinagpatuloy ang pananalita ko. "H-Hindi ako magaling sa kama. Nakita mo ba 'yong si Ronald kanina? Kaya nga sinuka ako no'n e. Naging kami no'n, pero trust me. Hindi talaga-"
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla na lang lumapit sa akin si Romanova. Hindi agad ako nakakilos dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
"I don't care, but I do care about the information you've said earlier."
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sobrang lapit na niya sa akin ngayon. Hindi rin ako makapagsalita kasi iniisip ko kung mabango pa ba hininga ko. Alam n'yo 'yon?
Nakayuko lang ako kasi nga baka maamoy niya ko, pero hinawakan naman niya bigla ang baba ko kaya hindi rin ako nakaiwas ng tingin sa kanya. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata.