CHAPTER 4

1024 Words
ROWENNA SANDOVAL Parang may kung anong kuryente ang dumaloy bigla sa katawan ko at ang kuryente na 'to ay iba sa kuryente na nararamdaman ko noon kay Ronald. Hindi ko mapaliwanag kung ano ito. Nilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin, pero hindi ko na makayanan ang pagkailang ko dahil sa nangyayari kaya kahit na sobrang lakas niya ay nagawa ko pa rin siyang maitulak palayo. Namalayan ko na lang ang lahat ng nangyari nang makita kong nasa sahig na siya at ang mga titig niya sa 'kin ay mas lalo pang lumala. Ngayon ay parang handa na talaga niya kong patayin. Tumayo siya habang ako ay hindi na malaman kung anong gagawin. Nanginginig na ko sa takot kahit na parang may sarili ring isipan ang puso ko at hindi ko alam kung anong pakiramdam ang binibigay niya sa 'kin. Desisyon e, no? Akala ko nga end of the world ko na, pero nabuhayan ako ng konting pag-asa nang makarinig ako ng mga yabag at wala pang isang minuto ay nagpakita na agad sa amin ang may-ari ng yabag na 'yon. Hindi ko mapigilan mapasimangot habang nakatitig sa direksiyon ni Ronald. Sino pa nga bang aasahan kong magliligtas sa akin kundi ang isang 'to lang naman. "Romanova, don't hurt her! She's not involved in our problem. Please, leave her alone." Kakatingin ko sa direksiyon ni Ronald ay hindi ko na tuloy namalayan na nakatayo na pala si Romanova at nasa tabi ko na siya. Nakaupo pa rin ako sa kama habang si Romanova naman ay nakatayo lang at nakatingin din sa direksiyon ni Ronald habang ang hawak niyang baril ay nakatutok sa direksiyon ko. Kung may lakas lang ako ng loob na humawak ng baril ay nakipag-agawan na sana ako rito, pero huwag na lang. Baka mas lalo lang gumulo ang sitwasyon na mayroon ako ngayon. "Get out of here if you don't want me to kill her instantly." Mas diniinan pa ni Romanova ang ulo ng baril sa ulo ko. Pagkarinig ko pa lang sa sinabi niya ay sinenyasan ko na agad si Ronald na sundin ang sinabi ni Romanova kaso parang slow pa ang isang 'to. Nakatitig lang siya sa 'kin habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Tsk. Sinasabi ko na nga ba at walang plano ang isang 'to na iligtas ako. Para talagang hindi ko siya pinaligaya dati! Well, hindi naman talaga siguro kasi. . . Kasi may ibang babae namang laman ang puso niya. "Ahm, Enna. What are you doing?" Natigilan ako sa pagdadasal nang marinig ko ang boses ni Ronald. Pati si Romanova ay napatingin na rin sa direksiyon ko. "Nagdadasal lang. Baka sakali na may ibang taong dumating para iligtas ako kasi wala naman akong tiwala rin sa 'yo. Tss." Inirapan ko si Ronald at tumingin na lang sa ibang direksiyon. Feeling ko ay lalaglag na naman ang luha sa mga mata ko. Akala ko ay kaya ko ng makita siya, pero hindi pa pala. Naaalala ko pa rin ang mga panahon na kasama ko siya. "What the hell, Enna. Focus to-" Natigilan sa pagsasalita si Ronald nang makarinig kami ng pagtawa mula sa direksiyon ni Romanova. "Stop talking, Ronald if you don't want me to shoot her head right now." Bumalik na naman ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Romanova. Si Ronald naman ay nakipagtitigan din ng masama sa direksiyon ng katabi ko. "Heh. You'll be dead if my people find out what you did to me. Don't make me repeat myself too, Keith Romanova." Nakarinig kami ng isang malakas na kalabog mula sa labas kaya sabay-sabay kaming napatingin sa direksiyon no'n. "I guess they're here now." "We're not done, Ronald." Isang putok naman ng baril ang sunod kong narinig. Sa sobrang gulat ko ay agad kong napikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bubuksan ko pa ulit ang mga mata ko dahil bago ako pumikit kanina ay nahagip pa ng aking paningin kung saan napunta ang bala ng baril. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at kahit na med'yo nanginginig pa ang buong katawan ko ay nilakasan ko na lang ang aking loob at tiningnan na kung anong nangyari. Nakita ko ang umaagos na dugo sa braso ni Ronald. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa nakita. Nagsisi ako bigla. Dapat pala ay hindi ko na lang binuksan ulit ang mga mata ko. Nakalimutan ko na may fears in seeing blood nga pala ako. Sumikip ang dibdib ko at unti-onting lumabo ang aking paningin at agad akong nawalan ng malay. * Pagmulat ko ng aking mata ay nakaupo na ko sa bench ng park na malapit sa bahay na tinitirahan ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka habang pinagmamasdan ko ang aking paligid. Tama ba ang lahat ng naaalala ko o panaginip lang 'yon lahat? Napatingin ako sa manggas ng damit ko. Nanginig na naman ang buong katawan ko nang makakita ako ng dugo rito. "H-Hindi ako nananaginip. . ." Bumalik sa alaala ko ang nangyari kay Ronald pati na ang mukha ng lalake na bumaril sa kanya na si Keith Romanova. Wala akong alam sa nangyayari sa kanila at hindi ko rin maintindihan ang pinapakita sa akin ni Ronald ng mga panahon na 'yon. Naguguluhan at nangangamba ako sa nangyayari, pero. . . Waah! Bakit hindi ko agad napansin na wala pala kong suot na bra all this time? May ugali na talaga ko na kapag natutulog ay gusto kong tanggalin lagi ang suot kong bra para maginhawa ang pagtulog ko, pero hindi ko naman alam na tinanggal ko ang bra ko habang natutulog ako sa kuwarto ng lugar na 'yon. Hindi ko tuloy alam kung maiiyak ako lalo sa nangyari o dapat akong matuwa dahil makakauwi na ko na wala pang nalalagas na ni isang parte ng katawan ko. Tumawa ako ako pinagpag kunwari ang damit ko at naglakad na ko pauwi ng bahay kahit na parang nanghihina pa rin ako dahil sa lahat ng nangyari. Kailangan ko pang magtrabaho para sa nanay ko na nasa hospital. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Siguro ay kakalimutan ko na lang muna ang lahat ng nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD