KABANATA 5

1007 Words
ROWENNA SANDOVAL "Ms. Sandoval." Lumapit agad ako sa doctor nang marinig ko ang pangalan ko. Kinakabahan man at tila pinagpapawisan na ang palad ko dahil sa takot sa aking maririnig ay nilakasan ko na lang aking loob at hinanda ang aking sarili. Umupo ako sa upuan na nasa harapan lang ng doctor. "Ms. Sandoval, I want to make clear to you. The fluid in your mother's lung is still appearing even after we remove it everyday. We inserted a tube connected to her lungs, but a bump appearing to some parts of her body. I'm afraid that after sometimes, her body will give up." Bigla akong nanghina sa narinig at hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa dalawang mata ko. Pinunasan ko rin ito agad nang makita ko ang expression na binibigay sa akin ng doctor. "Okay. Thank you, doc. B-Babalik na lang po ulit ako dito. W-Wala naman pong problema sa mga gamot niya, hindi po ba?" Ngumiti sa akin ang doctor at umiling. "Don't worry about that, Ms Sandoval. Mr Miller is the one who paid your bills." Tumango na lang ako sa doctor at tuluyan na kong umalis. Dumiretso ako sa kuwarto kung nasaan nanatili ang nanay ko. Tumakbo na ko dahil hindi ko na mapigilan na makita siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay tumakbo na agad ako sa direksiyon ng nanay ko. Naabutan ko siyang natutulog kaya niyakap ko na lang siya habang patuloy sa pagbagsak ng mga luha ko. Kung kailangan kong daanin ang lahat na dinanas ko sa piling ni Ronald ay gagawin ko. Basta't magkaroon lang ng himala at mapagbigyan niya ang hiling ko na maibabalik niya sa dati ang nanay ko, pero hindi. Tao lang din si Ronald at kahit na marami pa siyang pera ay hindi niya kayang ibigay ang lahat ng kahilingan ko sa kanya. One more thing, he already disposed me. Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong gumalaw ang katawan ng nanay ko. Pinunasan ko na agad ang mga luha sa mata ko bago pa niya ito makita at kumalas muna ako sa pagkakayakap sa kanya. Unti-onti niyang minulat ang kanyang mga mata at ilang minuto niya muna akong tinitigan bago ko nakitang gumalaw ulit ang kamay niya. Parang may gusto siyang sabihin sa 'kin dahil binuka niya ang kanyang bibig, pero walang salita ang lumabas sa kanyang bibig dahil nakasuot din siya ng oxygen ngayon. Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na wala akong ideya kung anong sasabihin niya sa akin. "Nay, kumusta na kayo rito? Kumakain ba kayo ng maayos?" Umiwas ako ng tingin sa kanya nang maramdaman kong tila patulo na naman ang luha ko. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Nay, huwag kang mag-alala sa 'kin. May trabaho pa rin naman ako at. . . mataas ang suweldo ko, nay! Kaya huwag kang mag-alala sa medical expenses mo dahil kayang-kaya ko 'yon." Ngumiti ulit ako sa kanya. Kahit na hindi niya ko sagutin ay nararamdaman naman ng puso ko ang gusto niyang sabihin kaya ayos na ko roon. Hapon na rin nang umalis ako sa kuwarto ng nanay ko. Wala akong gana habang naglalakad pauwi ng bahay. Paulit-ulit lang na bumabalik sa alaala ko ang imahe ng nanay ko. Napaka payat na niya at halos hindi ko na siya makilala. Dumaan muna ako sa karinderya na dinadaanan ko lagi malapit sa inuupahan kong bahay para bumili ng ulam ko. Baka kasi ako naman ang magkasakit at mauna pa ko sa nanay ko. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ko kumain ng almusal at tanghalian dahil nagbantay lang ako buong magdamag sa nanay ko. Pagkatapos kong makabili ng ulam ay dumaan muna ko sa park na malapit sa amin. Wala pa kong balak umuwi dahil baka kung ano lang ang gawin ko sa bahay pag-uwi ko. Baka maalala ko lang lalo ang nanay ko. Two years na rin pala ang lumipas nang magkasakit ang nanay ko at one year na rin nang makilala ko si Ronald. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Katulad ng sabi ko dati, pumayag ako sa kagustuhan noon ni Ronald na maging fake girl friend or fake s*xmate niya para sa nanay ko. Malinaw sa aming dalawa noon na hindi p'wedeng magkaroon ng real feelings sa isa't isa. Hindi naman nagtagal ay parang nagiging totoo na ang lahat ng pinapakita sa akin ni Ronald kaya akala ko ay p'wede na rin akong magkaroon ng totoong nararamdaman sa kanya, pero imahinasyon ko lang pala ang lahat. Hindi pala totoo ang lahat ng nakikita ko. Sana nga ay hindi na lang din totoo ang nangyayari ngayon sa nanay ko. Parang may kung anong damdamin ang nangingibabaw ngayon sa sistema ko, pero hindi ko naman alam kung ano ito. Nagkabit-balikat na lang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa bench nang makita kong malapit nang lamunin ng dilim ang mga ulap. Para mas madali akong makauwi ay dumaan na lang ako sa isang masikip na eskinita patungo sa amin. Nakayuko lang ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin na may tatlong lalaki na pa lang humarang sa dinadaanan ko. Napansin ko lang ito nang makita ko ang mga sapatos nila. Agad akong napaangat ng tingin at napaatras pa ko ng ilang hakbang nang makita ko sila. Nakangiti sila na parang manyak sa 'kin kaya bumangon bigla ang kaba sa aking dibdib. Tsk. Nakalimutan ko na may bar nga pala sa eskinita na 'to kaya hindi ako mas'yadong dumadaan dito. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid habang nag-iisip nang maaari kong gawin para makatakas. "Padaan lang ako, Kuya." Tinawanan lang ako ng tatlong lalaki kaya sumama ang timpla ng mukha ko. Kung may lakas lang ako para labanan sila ay kanina ko pa pinagsusuntok ang mga 'to. Tss. Lumapit sila sa akin at umatras naman ako. Sa kaka-atras ko ay bigla na lang bumukas ang pintuan ng bar na nasa kanang gilid ko lang at hindi ako makapaniwala sa susunod na nangyari. Si Keith! Sinusundan ba ko ng kamalasan ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD