KABANATA 6

1005 Words
ROWENNA SANDOVAL Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa tatlong lalaki pati na rin sa direksiyon ni Keith. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Nakita niya ko, pero parang wala rin siyang balak na tulungan ako. Ang lakas pa ng loob niyang sumandal sa pintuan ng bar habang nakangiti na parang naaaliw pa sa kanyang nakikita. Hindi naman ako umaasa na tutulungan ako ni Keith dahil sa unang pagkikita pa nga lang namin ay wala na siyang ginawang maganda sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Sa sobrang takot ko ay nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Bumibilis na rin ng malakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Huminga ako ng malalim at sandaling pinikit ang aking mga mata. Nakapag-desisyon na ko. Dito na lang ako kay Keith kaysa sa tatlong lalaking 'to! Ayo'ko ma-gang rape! Hindi mapakali sa paggalaw ang buong katawan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon habang naglalakad ako palapit sa direksiyon ni Keith. Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang makita ang paglapit ko sa kanya at mukhang naguguluhan siya ngayon sa ginagawa kong pagkilos. Kinuyom ko na lang ang dalawang palad ko at nilakasan ang aking loob hanggang sa tuluyan na kong makarating sa direksiyon ni Keith. "B-Babe. . ." Hindi kumikilos si Keith sa kinatatayuan niya at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Tsk. Parang nag-lock pa yata 'yong panga ko dahil sa sinabi kong salita. Buong tapang kong sinabit ang kamay ko sa braso niya at dahan-dahan akong lumingon sa direksiyon ng tatlong lalaki. Lumunok muna ako ng sariling laway para mas magkaroon ako ng lakas na sabihin ang susunod na salita na nasa isipan ko. "Babe, look oh. They are staring at me with those ugly eyes." Sinubukan kong magsalita ng baby talk kaso parang ako mismo nakaramdam ng cringe sa sarili ko. Pero, nakaramdam naman ako ng slight na tuwa nang makita ko 'yong reaksiyon ng tatlong lalaki na gusto akong kuhanin kanina. Parang gulat na gulat sila habang nakatingin sa direksiyon ko. Ay, hindi pala. Sa direksiyon yata ng katabi ko sila nakatingin. Pagkatapos, wala pang ilang minuto ay nagsitakbuhan na silang tatlo. Muntikan pa nga silang matumba. Nakarami yata ng inom ang mga 'yon kaya walang magawa sa buhay. Tss. Nang maiwan kaming dalawa ni Keith ay saka lang ulit bumangon ang kaba sa dibdib ko. Nakalimutan ko na devil din pala itong katabi ko. Hindi naman siya nagsasalita o nagrereact kanina pa. Kaya lang mas lalo akong nakakaramdam ng takot dahil d'yan. Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay ko na nakalingkis pa rin sa braso niya. Magtatagumpay na sana ako kaso biglang lumiit 'yong lusutan ng kamay ko e. Alam n'yo 'yon? Napalingon na tuloy ako sa katabi ko, pero saka ko lang pinagsisihan ang ginawa kong paglingon. Nakatingin din sa akin si Keith ng seryoso. As in nasa tamang place lahat ng part sa mukha niya. Walang nakakunot ang noo o nakangiting labi. Seryoso lang talaga. Pero, kahit na gano'n ay parang may kung anong energy na namang bumalot sa buong sistema ko. Kinukulam na naman yata ako ng isang 'to. Hanggang sa parang may kuryente na bigla na lang dumaloy sa katawan ko nang bigla na lang sumilay ang isang ngiti mula sa mapulang labi ni Keith. "So, you are my babe now? Come with me then." Kahit yata sobrang slow ko ay naintindihan ko rin agad ang sinabi niya dahil sa itsura pa lang ng mukha niya. Sa sobrang taranta ko ay naitulak ko siya bigla. Mabuti na lang at tumama lang ang likod niya sa pinto ng bar at hindi siya napaupo mismo sa sahig. Teka, mas mabuti ba talaga 'yon? Napahawak na lang ako sa aking bibig nang makita ko na tila nasaktan siya sa ginawa ko. 'Yong mga tao sa loob ng bar ay abala pa rin sa kani-kanilang ginagawa kahit na nakagawa kami ng ingay ni Keith dahil sa ginawa ko. Mas maingay kasi sa loob ng bar. Binalik ko ang paningin ko sa direksiyon ni Keith, pero agad din akong napaiwas ng tingin sa kanya nang makita ko na naman ang masama niyang tingin sa direksiyon ko. Patay na naman ako nito! "H-Hindi ko sinasadya." Huminga ako ng malalim bago ako muling tumingin sa kanya. Ngumiti pa ko kahit na parang gusto niya na kong katayin ano mang oras. "Thank you sa pagligtas sa 'kin. Bye!" Pagkatapos kong magsalita ay tumalikod na ko agad sa kanya at naglakad palayo, pero nakakailang hakbang pa lang ako ay may humawak na sa kamay ko. "Bitiwan mo ko. Quits na tayo!" Nagpupumiglas ako sa kanya hanggang sa tuluyan na niya kong naiharap sa kanya. "What quits are you talking about? I save you and that's it. You didn't even do anything to me for you to call us quits." Hawak pa rin ni Keith ang kaliwang kamay ko. Natigilan ako sa pagpupumiglas dahil bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa mismong pulsuhan ko pa. "Eh, no choice naman ako e. Saka na ko babawi sa 'yo. Aalis na ko." Kinakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa tuwing hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Hindi na ko tuluyang nakaalis kasi bigla niya kong kinarga na parang isang bigas. Alam n'yo 'yon? 'Yong karga ng mga mandurukot? Waah! Kinikidnap nga yata talaga ako! "Bitiwan mo ko! Ibaba mo na ko!" Pinaghahampas ko ang likuran ni Keith at nagbabakasakaling maibaba niya ko, pero pinalo niya lang ako sa may bandang pu*et ko kaya natigilan ako sa paghampas. Tumigil kami sa tapat ng isang kotse na kulay itim at saka niya lang ako binaba sa back seat. Pagkatapos ay agad niyang sinirado ang pinto ng kotse at umupo siya sa driver seat. Bumangon ako agad at kinalampag ang pintuan ng kotse, pero hindi ko ito mabuksan kaya tumingin na lang ulit ako sa direksiyon ni Keith na nagsisimula ng buhayin ang makina ng kotse at magmaneho. "Kinikidnap mo ba ko?" inis kong tanong sa kanya. "What kind of question is that? Of course, yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD