ROWENNA SANDOVAL
Ilang minuto rin akong natulala dahil sa sinabi ni Keith at nang mag-sink in na sa akin ang lahat ay muli kong kinalampag ang pintuan ng kotse.
"Pababain mo ko! Isusumbong kita sa police. Ay, hindi pala. Hindi kita isusumbong basta't pababain mo lang ako! Tulong!"
Nang mapagod ako sa aking ginagawa ay muli akong tumingin sa direksiyon ni Keith. Makikipag-agawan ba ko ng manibela sa kanya katulad ng nakikita ko sa movies or mga drama? Iniling ko rin agad ang aking ulo dahil sa aking naisip. Hindi p'wede dahil ang kahihinatnan namin nito ay mababangga lang kami sa kung saan.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at umupo na lang ng maayos. Humarap ako sa unahan kung nasaan nakaupo si Keith. Hindi ko maiwasan mapairap dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.
"Saan mo ba ko dadalhin? Gagawin mo ba kong bait para makuha at madukot ulit si Ronald?"
Hindi ko maiwasan matawa ng mahina dahil sa sarili kong tanong. Parang isang biro kasi kung 'yon nga ang nasa isipan ngayon ni Keith.
"Sinabi ko na sa 'yo na dati lang nagkaroon ng 'kami' ni Ronald at hindi 'yon normal relationship. I'm. . . I'm just a substitute to his true love and nothing more. Kahit na ikulong mo pa ko ng ilang taon, hindi ako pupuntahan ni Ronald."
Tumingin ako sa front mirror ng sasakyan. Hindi ko alam na nakatingin din pala sa akin si Keith kaya napaiwas din ako ng tingin sa kanya. Binalik na rin ni Keith ang paningin niya sa daan.
"Mag-focus ka nga sa pagd-drive. Baka mabangga pa tayo ng tuluyan. Tss."
"Interesting."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil sa tugon sa akin ni Keith. Napatingin tuloy ulit ako sa direksiyon niya.
"I-Interesting?" pag-uulit ko pa sa sinabi niya kanina.
"Yeah. Interesting. Base in your story, it looks like you have a feelings for him. Are you not planning to take a revenge on him?"
Nahagip ulit ng mata ko ang pagtingin niya sa direksiyon ko, pero sa pagkakataon na 'to ay hindi ko na talaga mapigilan matawa dahil sa sinabi niya.
Kakaloka ang isang 'to. Sa sobrang tawa ko ay sumasakit na rin tuloy ang tiyan ko.
"Revenge? Hoy! Hindi na uso ang sinasabi mong revenge. Sa mga pelikula lang nangyayari 'yon at isa pa, wala kang alam sa kasunduan na mayroon kami kaya wala kang karapatan na mag-suggest."
Natatawa pa rin tuloy ako dahil sa sinabi ni Keith. Saka ko lang naalala na isang masamang tao nga pala kausap ko ngayon.
Patay na! Hindi ko naman sinasadya na magsalita ng gano'n. Tss.
"It is indeed interesting. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sa 'yo." Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Keith.
Bumalik ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin ako sa direksiyon niya, pero hindi ko 'yon pinahalata kay Keith. Pinipilit ko pa ring magtapang-tapangan sa harapan niya.
Hindi pa ko p'wedeng mamatay. Nasa hospital pa ang nanay ko. Kaya. . . Kailangan ko pang bilugin ang utak ng isang 'to.
"A-Ano ba ang balak mo sa 'kin ha? Sinasabi ko na sa 'yo. Wala talaga kong kuwenta sa-"
"Shut up. We're here."
Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko ang sinabi ni Keith. Huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang malaking penthouse. Hindi na ko nagulat sa nakita ko dahil mayaman talaga si Ronald at kung may tao man siyang makakalaban. Mayaman din ang isang 'yon.
Kung gano'n ay mayaman din talaga si Keith.
Hindi ko tuloy maiwasan bumuntong hininga. Kasi naman. . . Kasi naman, bakit kailangan ko pang maipit sa away ng dalawang mayaman, e hindi hamak na hampas-lupa lang naman ako. Tsk.
"Get down now."
Napairap na lang ako nang muli kong marinig ang boses ni Keith. Nauna na pala siyang bumaba sa akin. Hindi man lang ako hinintay at nauna pa siyang naglakad papasok ng penthouse.
Bumuntong hininga na lang ulit ako at saka ako sumunod sa kanya sa loob. Pasimple pa kong tumingin sa likuran ko dahil baka may pag-asa pang makatakbo ako. Kaso lang ay nakasarado na ang gate na dinaanan namin kanina.
"Sandali!" Tumakbo na ko para makasunod kay Keith.
Pagkapasok namin sa loob ay may sumalubong sa amin na napaka daming lalake na nakasuot ng kulay itim na tuxedo at itim na pants. Hindi ko alam kung ilang sila, pero lahat sila ay nakatayo ng tuwid sa magkabilang gilid nang makita nila kami. Para silang sumasalubong ng isang importanteng tao. Well, importanteng tao naman talaga si Keith sa kanila puwera lang sa akin.
Nabaling ang paningin nila sa direksiyon ko kaya bumangon na naman ang kaba sa aking dibdib. Sa sobrang takot ko ay hindi ko namalayang siniksik ko na rin pala ang sarili ko kay Keith at kahit na sobrang bilis niyang maglakad ay pilit ko pa rin siyang sinasabayan.
"Get away from me," bulong sa akin ni Keith.
"Ayo'ko nga. Mamaya ay bigla nila kong saktan. Tingnan mo nga oh. May dala pa silang mga baril."
Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga ni Keith at pagkatapos ay bigla siyang huminto sa paglalakad.
"Teq, bring her to our guest room."
May lumapit sa aming isang matangkad na lalaki. Maputi ang kanyang balata, pero med'yo payat siya. Mukha rin siyang may lahi dahil sa liit ng mga mata niya, pero malapad ang kanyang labi at mukha.
"But, master. Who is she?"
"She is. . ." Tinuro ni Keith ang direksiyon ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin niya dahil parang sa dami ng eksena na nangyari sa pagitan naming dalawa ay mukhang hindi pa niya alam ang pangalan ko.
"Rowenna Sandoval," nakangiti kong pakilala sa sarili habang nakatingin doon sa lalaki na tinawag ni Keith bilang Teq.
Pagkatapos ay lumingon naman ako sa direksiyon ni Keith. Hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso habang nakangiti pa rin ako.
"Ikaw ha. Ilang beses na tayong nagkita at nagkausap, pero hindi mo pa pala alam ang pangalan ko."
Binalik ko ang paningin ko sa direksiyon ng kausap ni Keith at awtomatiko akong napahawak sa braso ni Keith dahil hindi ko alam na nakatapat na pala sa direksiyon ko ang mga baril nila.
Hala! May nasabi ba kong mali o hindi maganda? Tama naman ang pangalan na sinabi ko ah!