ROWENNA SANDOVAL
"Stop. She's. . . She's harmless."
Nang marinig ni Teq ang sinabi ni Keith ay agad din niyang binaba ang kanyang baril na nakatutok sa akin nang walang pagdadalawang-isip.
Naguguluhan ako sa kinikilos nila kaya hindi na ko nakatiis at bumulong na ko sa tainga ni Keith. Tumingkayad pa ko para maabot ko tainga ni Keith. Ang tangkad kasi e.
"May mali ba kong ginawa? Bakit ang sama na naman ng tingin nila sa 'kin?"
Nakatingin lang ako sa direksiyon ni Teq kaya hindi ko napansin na tumingin din pala sa direksiyon ko si Keith. Paglingon ko tuloy sa direksiyon niya ay saka ko lang nalaman na sobrang lapit pala namin sa isa't isa.
Nagulat ako at bumilis din ng husto ang puso ko kaya hindi sinasadyang naitulak ko tuloy palayo si Keith. Mabuti na lang at hindi siya bumagsak sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Napalayo lang talaga siya sa akin.
Patay. Bakit ko ba ginawa 'yon? Hindi nga pala kami close.
"Hehe. Binibiro lang kita ha. Baka magalit ka agad. Paano ba 'yan? Ihahatid na niya ko sa guest room. Paalam na muna, Keith."
Ngumiti na lang ako kay Keith kahit na hindi ko na naman maipinta ang itsura ng mukha niya at humarap na ko ulit sa direksiyon ni Teq. Kaya lang, masama rin pala tingin sa akin ng isang 'to.
"Teq."
"Yes, master."
"Bring her to my pleasure room."
"Roger, master."
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang nag-uusap hanggang sa namalayan ko na lang na hinihila na pala ko ni Teq patungo sa sinabi ni Keith. Hindi ako nagpumiglas sa kanya, pero nagpabigat ako kasi nagl-loading pa utak ko sa pleasure room na sinasabi ni Keith e.
Anong pleasure room kaya tinutukoy niya? Parang sa gamer room ba 'yon? 'Yong maraming laro sa loob ng isang kuwarto? Sandali. . . May isa pang pleasure room e.
Tumingin ako sa direksiyon ni Teq na mahigpit pa rin ang kapit sa isang braso ko. Kanina ko pa nga gustong umangal sa sakit, pero tiniis ko na lang dahil baka kung saang kuwarto pa niya ko dalhin kapag nainis pa siya lalo sa akin.
Sumakay kami sa isang elevator. Yes. May elevator nga sa loob ng penthouse nila saka sobrang laki at pang mayaman talaga ang style ng penthouse nila. Puro mamahalin ang nakikita ko mula sa tiles ng penthouse hanggang sa chandelier na nakita ko kanina sa gitna ng entrance ng penthouse.
Hindi pa nga rin ako sure kung bakit ako dinala rito ni Keith, pero parang may idea na ko ngayon at hindi ko gusto ang idea na sinasabi ng utak ko.
"Keteq este Teq, anong pleasure room ba sinasabi ng master mo?"
"We're here."
Sinagot ako ni Teq nang hindi man lang tumitingin sa direksiyon ko. Sakto naman pagkatapos niyang magsalita ay bumukas din ang elevator na sinasakyan namin.
Naglakad kami sa kanang hallway at huminto kami sa may pinaka dulong kuwarto. May parang tablet na nakadikit sa tabi ng pinto. Ewan ko kung anong tawag doon. Hindi naman kasi ako mayaman. Tss.
May pinindot doon si Teq na parang password ng kuwarto at pagkatapos ay bumukas na nga ang kuwarto na hinintuan namin. Pinapasok niya ko sa loob kahit na hindi man lang nagbigay ng kahit anong utos sa akin. Tinulak lang naman niya ko kaya pumasok na ko ng kusa. Tss.
Nanlaki lang ang mata ko nang bigla na lang sinarado ni Teq 'yong pinto ng kuwarto. Tumakbo ako palapit sa pinto at kinalampag ito ng paulit-ulit, pero hindi na talaga ito bumubukas.
"Keteq, buksan mo 'to! Buksan mo 'to! Hindi pa ko kumakain. Nagugutom na ko!"
Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo na lang ako sa king size bed na nasa kuwarto. Totoo naman ang sinasabi ko na hindi pa ko kumakain e. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bakit ba kasi dinala ako dito ng Keith na 'yon? Dudukot na nga lang siya ng tao, 'yong mahirap pa. Ano naman kayang maibibigay ko sa kanya? Tss.
Nakasimangot kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Wala naman akong kakaibang nakita kaya hindi ko pa rin alam kung bakit pleasure room ang tawag ni Keith dito. Siguro dahil dito siya natutulog at pleasure na sa kanya ang matulog.
Anyway, tumayo ako at naglalakad-lakad na lang sa kuwarto. Malaki naman kasi ito at wala rin naman akong magawa. Binuksan ko na lang 'yong mga malaking cabinet. Baka may makita kasi ako sa loob na kakaiba. Hehe.
Hanggang sa naagaw ng atensiyon ko 'yong isang malaking wooden drawer. Sinubukan ko itong buksan at nagtagumpay naman ako. Hindi pala ito naka-lock katulad ng inaasahan ko.
Dahan-dahan ko itong binuksan dahil baka may bigla na lang pumasok sa loob ng kuwarto. Kapag nag-ingay ako, malalaman niya agad na may kinalikot ako sa loob ng kuwarto.
Samantala, pagbukas ko pa lang ng drawer na nakita ko ay naisarado ko na ito agad. Pagkatapos ay bumalik na ko sa inuupuan ko kanina.
Hindi ko namalayan na bumilis din pala ang t***k ng puso ko habang paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang lahat ng nakita ko sa loob ng drawer na 'yon.
Alam ko na kung bakit pleasure room ang tawag dito. Totoo ba ang lahat ng nakita ko? Hindi ba ko namamalikmata lang?
Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakita ng iba't ibang klase ng handcuffs, di*do, at iba pang uri na ginagamit sa. . . Waah!
Dinala ba ko ng Keith na 'yon dito dahil doon?
Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan na rin ako ng malapot dahil sa mga bagay na pumapasok ngayon sa isipan ko.
H-Hindi naman siguro gano'n ang mangyayari. Pinapunta lang siguro ako rito ni Keith para madukot ulit niya si Ronald.
Natigilan ako nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto na kinalalagyan ko. Nakaramdam pa rin ako ng gulat nang makita ko ang mukha ni Keith. Hindi katulad kanina na nakasuot siya ng isang black suit and pants, nakasuot na lang siya ng bathrobe ngayon at basa pa ang buhok niya.
Hindi naman siguro halatang galing siya sa ligo no?
Lumapit siya sa direksiyon ko at habang palapit nang palapit siya sa akin ay nag-iisip na rin ako ng ilang paraan kung paano ako makakawala sa kanya.