ROWENNA SANDOVAL Nang makita ko si mama ay hindi na rin tumakbo ng maayos ang isipan ko. Tumakbo na ko agad papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Ma, kumusta na kayo?" Habang yakap-yakap ko si mama ay kagat-kagat ko rin ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong lumuha sa harapan ng mama ko. Ayo'ko kasing maging dahilan pa ko para bumagsak din ang emosyon ng nanay ko. Baka lalo lang siyang mag-alala sa kalagayan ko lalo na at alam niyang mag-isa na lang akong nabubuhay ngayon dahil wala siya sa tabi ko. Hindi sumagot sa akin si mama. I mean, wala siyang kakayahan na sumagot sa 'kin. Pinagmamasdan niya lang ako na parang kinakabisado niya ang buong istilo ng mukha ko o kung may nagbago ba sa itsura ko kaya hindi ko namalayan na naikuyom ko na rin pala ang kamao ko dahil sa

