bc

Torn between two Mafias

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
kicking
mystery
loser
city
like
intro-logo
Blurb

She's everyone's dreamgirl. Pretty and witty. Ano ang gagawin nya kapag naging dreamgirl sya ng isang makapangyarihang tao na nagtatago sa isang simpleng katauhan? Matatanggap ba nya ang pag-ibig nito?

Ysabel has a crush, a dreamboy na syang pinagpapantasyahan nya sa simula highschool. Everyone's dreamboy ,mabait, magalang, matalino at subrang gwapo. Sino ang pipiliin nya? Ang isang perpekto na mahal nya o ang taong subrang sumasamba sa kanya? Torn between two Mafias, may pipiliin kaya sya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1-Simula
Ysabel's POV "Ysabel! May nagpapabigay!" sabay abot ng isang card at isang tangkay ng pulang rosas. Walang kibong tinanggap ko naman iyon. "Huh! At sino naman ang nagpapabigay nito Alona?" nakangusong tanong ko sa matalik kong kaibigan. "Malalaman mo din! Dapat kasi ederetso na sa iyo. Nahihiya daw sya kaya huminge ng pabor sa akin. Akalain mo ginawa pa akong tulay!" halata ang inis sa magandang mukha ni Alona. Maganda si Alona at galing sa mayamang pamilya. Halata naman sa kilos at galaw nya pati sa pananamit. Malaki ang pagkakaiba namin dahil ako ay galing sa payak at ordinaryong pamilya. Magsasaka ang ama ko at isang guro naman ang aking ina. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. At kahit may trabaho si Nanay, ramdam parin namin ang paghihikahos sa buhay. Nakapag-aral lang naman ako sa mamahaling paaralan na pinapasukan ko dahil sa scholarship na naiapasa ko noong unang taon sa highschool. Ngayon sa awa ng Diyos ay nasa ikaapat na taon na kami sa highschool at nalalapit na rin ang graduation namin. Kuryusong binuksan ko ang card at binasa ang laman nito 'To you my love' mahinang basa ko. Napasulyap ako kay Alona na sambakol ang mukha. Naakit akong amuyin ang rosas na hawak ko. As usual amoy rosas parin. Halos isang buwan na mula noong sumali ako sa patimpalak ng Mutya ng San Agustin at sa kabutihang palad ay nanalo ay lage na lang akong nakakatanggap ng mga love letter at mga bulaklak. Pero kakaiba ang isamg ito na halos araw-araw ay nagpapadala ng card at pulang rosas at lage na lang si Alona ang ginagawang courier. Tuwing kinukulit ko naman ang matalik kong kaibigan kung sino ang nagpapadala ay matigas pa sa batong hindi ko mapaamin. Hintayin ko na lang daw na kusang lumapit at magpapakilala ang nagpapabigay. "Oy si Yohan paparating na. Danica pahiram naman ng salamin. Itsetsek ko lang kung maganda na ba ako." Rinig at kitang-kita ko ang pagkakagulo ng mga kaklase kong babae. Hindi sila magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga sarili nila dahil paparating na ang lalaking halos kabaliwan ng lahat ng babae at bakla sa paaralan. Lahat dahil aaminin kong kahit ako ay may lihim na pagtingin sa kanya. Actually matagal na, noon pa, noong unang araw ko pa lang dito sa San Agustin Higschool Academy. Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang pagtatagpo namin dahil sa nakakahiyang nangyari sa akin noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang lahat. Kakasubmit ko lang ng requirements ko for scholarship sa registrar's office. Naisipang kong maglibo't libot sa kabuuan ng paaralan. Malawak at kumpleto sa pasilidad ang school kaya naman sikat na sikat ito sa buong bayan ng San Agustin. Karamihan sa nag-aaral dito ay may kaya sa buhay. Kung may katulad kong hikahos na nakapasok ay dahil lamang pinalad na makapasa o makakuha ng scholarship. Sa gitna ng pamamasyal ko nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naghanap ako agad ng comfort room. Nasa bandang likod ako ng gymnasium. May nakita akong pintuan sa likod na sa hinuha ko ay comfort room. Dahil nga ihing-ihi na ako hindi ko na binasa ang nakapaskil sa pintuan. Pumasok ako agad na hindi man lang nag-iisip at para lamang mapatili ng malakas at pamulahan ng buong mukha dahil sa pagkapahiya. Kanya-kanyang takip ng katawan ang mga lalaki na halos hubo't hubad na naliligo. Agad kong naitakip ang kamay ko sa dalawang mata ko. Nanginig ang buong katawan ko at halos hindi ko maihakbang man lang ang mga paa ko. Unang beses kong makakita ng mga lalaking halos hubo't hubad. Hindi lang isa kundi marami sila. Imbes na magalit ang mga lalaki ay nagkantsawan pa. Para bang gustong-gusto nilang nabusuhan ko sila. "Ay miss, welcome na welcome ka dito!" rinig ko pang sigaw ng ilan. "Miss alisin mo ang takip sa mata mo, malaya kang angkinin ang katawan ko!" sabay tawa ng mga ito. Halos kilabutan ako sa pinagsasabi nila. Hindi ko namalayan ang panginginig at pagluha ko dahil sa kahihiyan at takot. Nabigla na lamang ako ng may isang kamay ang humila at naglabas sa akin sa kwartong iyon. "What are you thinking Miss? Hindi ka ba marunong magbasa at bigla ka na lang pumapasok sa kwartong hindi dapat!" pigil ang galit at inis ng lalaking humila sa akin palabas. Punong-puno ng luha ang mata ko at halos hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Hawak-hawak ko ang mga kamay kong hindi parin humuhupa ang panginginig. Napansin naman ng lalaking matangkad ang kalagayan ko. Bigla ay naging malumanay ang kanyang boses. Lumapit sya at sinilip ang mukha ko. "You are not okay. Here, punasan mo ang mga luha mo," sabay abot nya ng puting panyo sa harap ko. Mabilis ko iyong kinuha at walang pag-aatubiling ipinunas iyon sa buong mukha ko. Nalanghap ko agad ang mabangong amoy ng puting panyo na talaga namang lalaking-lalaki ang amoy. Pagkatapos kong magpunas ay huminga ako ng malalim para pakalmahin ang loob ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakatulong ang paghinga ng malalim para mawala ang panginginig ko. Unti-unti kong itinuon ang mga mata ko sa lalaking nasa harap ko. Bigla ang malakas na pagtambol at pagkakarerehan ng t***k ng puso ko. Napamaang ako at halos mapanganga sa paghanga dahil sa angking kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko. Clean cut, expressive eyes, pointed long nose, red lips, makinis na mukha at higit sa lahat ang dalawang malalim na dimple sa magkabilang pisnge na kahit hindi nangiti ay lumilitaw. Sa madaling salita ay boy next door type ang kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko. Sya naman ay hindi nakakibo at napatitig ng walang emosyon sa mukha ko. Tumikhim sya para kunin ang atensyon ko pero sa wari ay para akong nakalutang. Ysabel gising! sabi ng utak ko. May kamay na pumitik sa mukha ko na nagpabalik sa ulirat ko. Pulang-pula marahil ang buong mukha ko sa pagkapahiya. "Are you okay now?" napapantiskuhang tanong nya. May multong ngiti akong nasilayan sa dulo ng kanyang mapulang labi kahit pa itago nya ito sa kanyang seryosong mukha. "A-ah e....O-okay na ako. Ahm...." puno ng hiyang sagot ko na hindi man lang makabigkas ng deretso. Pautal-utal na para akong ingot dahil lamang sa kagwapuhan nya. Pinilit kong pakalmahin ang puso ko sa pagreregodon. "Ahm...pasensya na sa katangahan ko. Hindi ko sinasadyang pumasok doon. Naghahanap kasi ako ng cr kasi naiihi na talaga ako. Hindi ko naman napansin na shower room for boys pala iyon," mahinang paliwanag ko. Hindi ko akalain na sa kabila ng malakas na tambol ng puso ko ay nasabi ko ng mahabang paliwanag na iyon. "Oh I see..Bago ka ba dito? I guest you are. Are you freshman student?" masigla nyang tanong. Ngayon ay may ngiti na sa mga labi na lalong nagpabilis sa t***k ng puso ko. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayun. "So, pareho pala tayo. By the way, I am Yohan dela Rama," abot tainga ang ngiting pakilala nya sabay abot ng kanang kamay. Gosh! Ano itong nararamdaman ko? Kinikilig ako! Maghunos-dili ka Ysabel. Dose ka palang kumakarengkeng ka na! Sita ng isip ko sa bata kong puso na sa unang pagkakataon ay tumibok ng mabilis. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Pasimple kong pinunasan ang namamawis kong kamay sa dahil sa kaba sa likod ng blouse ko. Nang masigurong nawala na ang pagkabasa ng kamay ay saka ko tinanggap ang kamay nya. "Ahm....Y-ysabel! Ysabel Almonte, Y-sa for short," nauutal kong pakilala. Bigla kong naramdaman ang parang kuryente sa buong sistema ko nang magkadaop-palad kami. Naramdaman ko ang mariing pagpisil nya sa kamay ko na mas lalong nagpapula sa magkabilang pisnge ko. Halatang-halata pa naman kapag namumula ang pisnge ko dahil sa kaputian ng balat ko. Mas lalo namang lumalim ang dimples nya nang ngumiti sya ng pagkatamis-tamis. "Lalo kang gumaganda Ysa kapag namumula ka," walang prenong sabi nya na ikinaubo ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko at itinakip sa bibig ko upang pigilan ang pag-ubo ko. Lumapit naman sya at parang dadaluhan ako dahil sa pag-inhit ko ng ubo. Gosh! Nakakahiya. "Hey! Are you alright Ysa? Ano ang nangyayari sa iyo?" may pag-aalala sa boses nyang tanong sa akin. Dumapo ang kamay nya sa likod ko at nagtaas-baba para pakalmahin ako. Ang sarap sigawan na lalo lamang akong iihitin ng ubo at natutuliro dahil sa pagdikit at pagdantay ng kamay nya sa likod ko at ngayon ay humahaplos pa. "T-tubig! T-tubig pl-please!" pautal utal na utos ko sa gitna ng pag-ubo. Mabilis naman nyang kinuha ang tumbler nya sa dalang backpack at agad binuksan para ipainom ang tubig na laman nito. Walang reklamong kinuha ko ang tumbler at ininom ang lamang tubig. Nang makabawi ay hiyang-hiya akong napatingin sa kanya. "Hala tubig mo pala yan,naubos ko!" kiming sabi ko na hiyang-hiya sa nangyari. Ano ba naman ito? sunod-sunod na ang pagkapahiya ko. "Its alright! You more than need it," nangingiting sabi nya. He is all eyes on me at parang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ako. Lalo naman akong naconcious sa hitsura ko. I am sure I look like a mess.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SIN SO SWEET

read
13.8K
bc

Raw Desires: {50 Erotica Stories}

read
86.2K
bc

Crazy Pleasure

read
19.1K
bc

Breed me Raw, Alpha

read
1.9K
bc

Ruin Me, Brother

read
4.3K
bc

Steamy S*x Stories

read
162.3K
bc

Wet Hot Desire( A Collection Of Steamy Stories)

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook