Kabanata 33 Chase and Trap NATAPOS NA ang kasiyahan ngunit wala pa siya sa tamang pag-iisip. She just couldn't believe what she did. Hindi niya sukat-akalain na magagawa niya iyon. Para siyang isang hayop na nawalan ng puso dahil sa nagawa. "I'm sorry," nakatitig siya sa walang malay na babae. Nasa isang silid sila sa bahay na pinagdausan ng kasiyahan. Doon niya dinala ang naging biktima niya sa tulong nila Luc at Iason. "I'm sorry," ulit niya at lumabas sa silid. Magigising pa naman iyon. Nang nasa pasilyo ay napatigil siya nang makita kung sino ang nasa dulo, sa may balkonahe. Darius. Nakasandal ito sa rehas, nakapamulsa at diretso ang tingin sa kaniyang direksiyon. "Finally," bulong niya at naglakad palapit dito. Sisisihin niya muna ito dahil para sa kaniya ay kasalanan ng

