Kabanata 34 Creep AS SHE EXPECTED, nakita niya si Darius sa mansiyon kinabukasan, dahilan kung bakit maganda ang kaniyang araw. Ngingiti-ngiti siyang umiinom ng dugo na napag-alaman niya na galing mismo sa lalaki. Pasulyap-sulyap pa siya rito na nakaupo sa harap niya. Hindi niya tuloy alam kung matatawa siya o matatakot dahil balik normal ang mukha nito. Walang emosyon at seryosong-seryoso. Naisip niya na baka ang ginawa niya kagabi ang dahilan. Napabungisngis siya. Buti nga sa lalaki. Kulang pa nga iyon para sa kaniya dahil sa pagkawala nito ng isang linggo na wala man lamang pasabi ni isang impormasyon kung saan ito pumunta. "Hi, Darius," bati niyang may halong pang-aasar. Ewan ba niya. Hindi niya alam kung bakit simula noong gabi ay maaliwalas na ang kaniyang kalooban. Tuwing

