Kabanata 4
Death
"Kumain ka na." Napaigtad siya sa kinauupuan nang biglang may magsalita malapit sa pintuan. Nang inangat niya ang tingin ay nakita niya ang babae kanina na masama ang tingin sa kaniya habang may bitbit itong tray. Inirapan siya nito at nagtungo sa maliit na mesa at inilapag doon ang dala. "Kung ako lang ang masusunod ay pinalagyan ko ng lason na nakakamatay iyang pagkain mo para wala ng problema."
Umirap ulit ito sa kaniya. "Huwag kang gagawa ng ikakagalit ko, babae. Wala kang ideya kung anong kapahamakan ang pinasok mo," she tsked. "Mga tao nga naman. Hindi iniisip ang kahihinatnan ng gagawing kilos."
Hinayaan niya itong magsalita nang magsalita. Wala rin naman saysay kung maglalahad siya ng opiniyon dito lalo na at ramdam niyang hindi siya gusto ng babae at ganoon din naman siya rito. Kailangan niyang magpanggap na wala siyang ibang intensiyon dito sa loob ng mansiyon para hindi siya pagdudahan at paalisin.
Ang iniisip niya ay ang hamon.
"Mamaya ay may magdadala rito ng damit na masusuot mo. Kung gusto mo maligo, may banyo riyan," may itinuro ito sa bandang kanan. Sinundan naman niya ito ng tingin at napakunot ang noo.
Nagtatanong na tiningnan niya ito. "Nasaan diyan?"
Sa hindi niya mabilang na pagkakataon, inirapan na naman siya nito bago naglakad patungo sa itinuro. May tinulak ito doon at tumambad nga ang sinasabi nito. Kasing-kulay ito ng pader at wala man lang busol kaya hindi niya alam na may pinto pa pala roon.
"Ito, kita mo na?" Sarkastiko nitong saad sa kaniya. "Mamamatay ka na nga lang, dagdag perwesiyo ka pa. Pabigat talaga ang mga katulad mo."
Gusto niya itong sagutin pabalik ngunit nang maalala ang lihim niyang plano, pinakalma niya ang sarili at pilit na ngumiti na nauwi naman sa ngiwi nang makitang nakatitig ito sa kaniya na animo'y pinakiramdaman siya.
Ngunit ganoon pa rin ang tingin nito sa kaniya, masama na para bang may gagawin siya rito.
"Mamamatay ka," walang pakundangan nitong sabi at umalis sa silid.
Napapantastikuhang tiningnan niya ang nilabasan nitong pinto.
Nababaliw na ba siya? How could she uttered such statement.
Nilapitan na lang niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Pagkatapos ay saka naman may kumatok at pumasok sa silid niya. Walang imik na inilapag nito ang paper bag na dala sa kama at umalis ng walang sabi.
Kibit-balikat na kinuha niya ito at tiningnan. As expected, the things inside are clothes.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis, nakatayo ngayon si Meos sa harap ng pintuan ng silid. Kasalukuyang naglalaban ang utak niya kung pipihitin ba niya ang busol para makalabas o hindi. Inip na inip na siya sa loob at gusto niyang makalanghap ng hangin.
Napakagat-labi siya.
Susundin ko ba ang sinabi ng doktor? Tanong niya sa sarili. Napagtanto niya na hindi naman masama hindi maging masunurin kaya dahan-dahang umangat ang kaniyang kamay sa busol at pinihit ito pabukas.
Napabuga siya ng hangin at bahagyang sumilip doon. Nang makitang walang tao, maingat na inihakbang niya ang paa palabas at tahimik na isinara ang pinto.
Inilibot niya ang paningin ngunit purong madilim na bahagi ang nakikita niya. May kaunting liwanag na nakasilip mula sa bintana at sapat na iyon para makita ang kaniyang nilalakaran.
"Kailangan na natin siyang ilabas dito hangga't maaga pa," nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses na pamilyar sa kaniya. Ito ang boses ng lalaki kanina na nakita niyang may suot ng white plain tee-shirt. Para hindi makita, kaagad siyang nagkubli sa kulay itim at malaking kurtina na nasa gilid niya.
"Hindi natin iyon gagawin."
"Ngunit Doc., alam mo ang mangyayari sa kaniya kung mananatili siya rito sa mansiyon. Hindi basta-basta ang kapahamakan na naghihintay sa babaeng 'yon!"
Napatigil ang kaniyang paghinga nang huminto ang mga yabag sa mismong harapan niya.
"Bakit mo pa siya ipinasok kung alam mo naman ang mangyayari?"
Tumahimik ng ilang segundo bago may magsalita.
"He asked me to do it."
"Then, we don't have any rights to release the woman. Siya ang magd-desisyon at hindi tayo. Kung ayaw mong matulog habang-buhay sa sarili mong kabaong, huwag kang kikilos na hindi niya magugustuhan. Inutusan ka niyang ipasok siya rito sa loob, siya rin ang magd-desisyon kung kailan niya ito papalabasin."
"Paano kung may mangyaring masama sa babae?"
She heard someone tsked. "You're too weak to be one of us, Luc. We were born without conscience, what happened to you?" Pagkatapos ay nakarinig siya ng papalayong yabag.
"Death is waiting for you, babae." Rinig niyang saad ng isa bago tumahimik ang paligid.
Nang maramdaman niyang wala ng tao, lumabas na siya sa pinagtataguan at napatingin sa dinaanan ng dalawang panauhin na nag-uusap segundo ang lumipas.
Death. Is she going to die here?
She laughed lightly. No way. I'm not going to die without accomplishing my mission.
Now that she thinks, she should do something before someone take an action to kill her inside this mansion. Hindi siya maaaring mamatay nang walang dalang ebedensiya na maipapakita sa mga kaibigan. Hindi niya hahayaang masayang ang oras na iginugol niya makapunta lang dito sa kinatatayuan niya.
Napakuyom ang kamao niya. "No one can stop me from doing my mission," she whispered under her breath.
"What mission?"
Napatigil siya nang may marinig na boses na bago na naman sa kaniyang pandinig. Ibinuka niya ang nakakuyom na palad bago nilingon ang nagsalita.
Napaawang ang bibig niya.
There, in the middle of staircase, a child who is looking innocently at her. Bilugan ang mga mata nito na kulay kape. Ang maliit at mala-rosas nitong labi ay bahagyang nakabuka. Ang ilong nito ay maliit na matangos na bumagay sa malalim nitong mga mata. Ang kulay ginto nitong buhok ay nakatali magkabilaan at ito'y may malaking kulot pa sa dulong bahagi.
Nakasuot ito ng kulay-del-carmen na damit na umabot hanggang tuhod ang haba. Ang maputing balat nito ay nangunguna sa kalabuan ng paligid.
The girl tilted her head. "What mission?" Pati ang maliit ngunit may bahid ng lamig nitong boses ay bumagay rito.
Gloomy, just like her eyes.
Her eyes is innocent but, she can see a gloomy emotions.
Natauhan siya nang magtanong ulit ito.
"Uh..." Think, Meos. But before she could give an answer to the child whose patiently waiting, a guy wearing a doctor robe entered the scene.
"Hermosa, go back to your room and continue playing with your dolls."
"But..."
"Don't make me repeat my words again. Go back and don't come out without my permission. You don't want him to get mad to you, right?"
Kaagad na umiling ang bata. Sinulyapan siya nito saglit bago tumalikod at pumanhik sa taas. Napakunot ang kaniyang noo. It's too dark and the kid managed to stay in the dark.
Napatingin siya sa doktor na ngayon ay walang emosyon siyang pinagmamasdan. Bigla na lamang itong pumagitna sa kanila at nang-utos at ngayon naman ay blankong nakatingin sa kaniya.
"Ano ang sinabi ko sa 'yo bago kita iwan sa silid mo?"
Napalunok siya.
Pati ang boses nito ay walang emosyong nakalapat.
"Gusto ko lang lumabas..." nanginginig niyang sagot. Bakit palagi na lamang siya natatakot tuwing ito ang kausap niya? Dahil ba sa awra nito? O dahil may pagdududang nararamdaman ito sa kaniya at ayaw niyang malaman nito na may tinatago siya.
"Ano ang sinabi ko?"
Humakbang siya paatras nang lumapit ito sa kaniya.
"Na huwag lalabas hangga't wala kang sinasabi," nanginginig ang boses na sagot niya rito. Tumigil naman ito sa paglapit sa kaniya at tumigil rin siya kakahakbang paatras.
Segundo ang lumipas at humakbang ulit ito palapit sa kaniya at biglang hinawakan ang kaniyang braso. Napaigtad siya sa gulat.
"Ang tigas ng ulo ng mga katulad mo, babae. Mahina ang utak niyo pagdating sa panutong ibinigay. Gaano ba kahirap intindihin ang ibinilin ko?"
Napalunok ulit siya. Hindi naman mahirap. Sadyang gusto niya lang matapos ang lahat para makalabas na siya sa dilim.
Binitawan siya nito at malamig na nagsalita.
"Bumalik ka sa silid mo. Kapag nakita ulit kita na pagala-gala rito sa mansiyon, sisiguraduhin kong iyon na ang huling araw na makakalanghap ka ng hangin."
Matapang siyang umiling. "Ayoko. Ayokong makulong sa dilim."
"Sundin mo ang sinabi ko."
Umiling ulit siya. "Ayoko..."
"Sabi ng bumalik ka sa silid mo!" Bahagya siyang napatalon sa kinatatayuan nang bigla itong sumigaw. Nakita niya kung paano gumalaw ang panga mito sa galit at ang mga mata nito ay nanlilisik sa kaniya. Ngunit, hindi pa rin siya nagpatinag.
"Ayoko," mababa ang boses na saad niya. Kahit madilim ang paligid, naaninag niya pa rin kung paano ito magalit. At kahit nangingibabaw ang kaba at takot sa puso niya, nanatili pa rin siyang matatag na tumayo sa harapan nito.
"Enough." Natigilan ang doktor pati na rin siya. Sabay silang lumingon sa nagsalita at nakita ang isang matandang babae na malamig ang tingin sa kanilang dalawa. "Adrian, follow me," tumingin ito sa kaniya pagkatapos. "And you, follow me." Ma-awtoridad nitong saad at umalis.
Nilingon siya ng doktor na may pangalang Adrian bago sumunod sa matanda. Siya naman ay naiwang natitigilan sa kinatatayuan. Sa dilim na mansiyon na ito ay may nakatira nga na animo'y sanay na sanay mangapa sa dilim.
Napalunok siya. Sino pa ba ang makakasalamuha niya sa madilim at malaking mansiyon na ito? Bakit parang ang dami niyang kasama rito sa loob? At pakiramdam niya ay siya lang ang naiiba sa mga ito.
"Do what she told you," napatingin siya sa nagsalita. Iyon na naman ang babaeng mataray na dumaan sa harapan niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Napatango siya at sinundan na rin ito.
"SHE will be staying at the top floor of this mansion." Iyon kaagad ang narinig niya nang makapasok sa silid. Hindi katulad sa labas, maliwanag ito at may makakapal na kurtina rin ito sa paligid.
Napatingin siya sa harapan kung saan nahuli niyang matamaan siyang pinagmamasdan ng matanda. Hindi. Hindi niya masasabing matanda na ito dahil sa itsura at pangangatawan nito. Ngunit dahil sa ilang kulubot ng balat na ito na pilit nitong itinatago sa kulay itim nitong damit ay napagtanto niyang matanda na nga ito.
"What's your name?"
Binasa niya ng laway ang nanunuyot niyang labi bago sumagot. "Meos... Meos Monroe."
Tumango ito at tumingin sa doktor na malayo ang tingin. "Accompany her to the staircase and don't you dare to come with her to the top floor. You know what will happen, Adrian."
Napipilitan itong tumango. "I will."
Tiningnan ng matanda ang katabi niya. Ang babaeng mataray. "Buy her clothes to wear. As many as you can."
Tumango ito. "I will," masunurin nitong sambit at umalis.
Sa kaniya naman natuon ang atensiyon nito.
"Since you'll be staying at the top floor, I just want you to be aware in your surrounding. Don't make any noise. Don't scrap your skin and don't let your blood flow from your flesh or else, someone will come back from the dead and it will be your fault."
Naplunok siya sa klase ng pagsasalita nito. Why include the blood and flesh? And dead...
"La..."
"Hush, Adrian. I'm just giving her clues. Para hindi na rin siya magulat sa masasaksihan niya."
"But she's not like us."
"I knew. And you don't know her that much so, don't judge."
Napabuntong-hininga ang huli at tumayo. "Ihahatid ko na siya papunta sa magiging silid niya."
"Adrian," may babala sa boses na tawag ng matanda.
"Fine. Sa hagdan lang," sambit nito at nauna itong lumabas sa silid at naiwan siya kasama ang matanda.
"Meos, don't rouse the beast that are now sleeping soundly beneath the ground."
"Po?"
Umiling lang ito at itinuro ang pinto. "Go. Make the child happy."
Kahit nagtataka ay tumango na lamang siya at lumabas. Nahagilap niya ang likuran ni Adrian at humakbang na para sundan ito. Ngayon ay mas lalo siyang naguguluhan. Ano ba ang pinagsasabi ng matanda? Kakaiba kung magsalita ito at parang lahat ay may malalim na kahulugan.
"Mag-ingat ka sa taas lalo na ang magiging kilos mo, babae."
Napasimangot siya sa tinawag nito sa kaniya ngunit hindi na nagsalita pa.
"Make her happy, Meos." Bilin nito at umalis. Siya naman ay natigilan sa sinabi nito. Iisa lang kaya ang ibig sabihin nito at ng matanda?
Napailing siya at hinarap ang hagdan.
Top floor...