Kabanata 3

2021 Words
Kabanata 3 Darkness NAPABUGA siya ng hangin nang maisara ni Demona ang pintuan ng bahay sa likod niya. After changing her clothes to stretchable white pants and dark blue shirt, the girls didn't say anything to her. They all went silent and all she did was shrug because she don't want to know the reason behind thier quietness. Napatingin siya sa dala niyang maliit na bag. The bag contains water, flashlight, and extra camera. In case na ma-lowbatt ang kaniyang phone ay nagdala na siya ng reserba. Sa kaliwa niyang braso ay nakasabit ang yellow-orange niyang jacket. It's midnight and she's sure that the weather is cold. Ayaw naman niyang manginig sa lamig while doing her mission.  Inilapag niya sa sementadong sahig ang bag at isinuot ang tsaketa. Alam niyang nangingibabaw sa dilim ang kaniyang suot.  Napabuntong-hininga siya at sinukbit sa likuran ang kaniyang bag pagkatapos isuot ang panlaban sa lamig.  Kaya ko 'to.  Habang naglalakad sa tahimik at madilim na kalsada, pinagmamasdan niya ang mga bahay na nasa kaliwa't kanan na bahagi. Ang Dark Village, lahat ng bahay na narito ay malalaki. Wala siyang masasabi na mahihirap ang nakatira rito dahil alam niyang hindi. Ang maganda rin dito sa nayon ay napapalibutan ito ng mga puno.  Napayakap siya sa sarili nang biglang lumakas ang hangin.  Tanging ang kuliglig sa gabi at ang hampas ng malamig na hangin ang maririnig. Lahat ng bahay ay nakapatay ang ilaw maliban sa bombilya nito sa labas na nagsisilbing liwanag sa madilim na kapaligiran. Napatingala siya sa buwan na aakalaing nakasunod at nakamasid sa kaniya. Tanging iyon lamang ang liwanag sa madilim na kalangitan at wala ni isang bituin. Uulan pa 'ata. Napatigil siya sa paglalakad nang masilayan ang liwanag mula sa malayo. Napahigit siya ng hininga at mabilis na tumakbo para kumubli sa malaking puno't nagdasal na sana hindi siya makita ng kung sino man.  Ang tingkad pa ng kulay ng suot ko! Kagat ang labi at pigil ang hininga ang ginawa niya nang makalapit sa puwesto niya ang liwanag na nagmumula sa plaslayt.  "Clear. Walang tao na pagala-gala." "Just make sure." Nang dumilim ulit sa puwesto niya ay naghintay siya ng ilang minuto bago umalis sa pinagtataguan. Tumingin siya sa kaliwa't kanan, likod at harap para masiguradong wala ng nagr-ronda.  Bahagya niyang hinigpitan ang pagkatali ng buhok at pinagpatuloy ang paglalakad ng masiguradong wala na ang naglilibot sa paligid. ALA-UNA ng umaga nang makarating siya sa harap ng mansiyon. Alam niyang malayo-layo ang destinasiyon niya ngunit hindi naman puwede na sumakay siya dahil isa iyon sa rule na pinagbabawal sa loob ng village. Ang paglabas ng gabi. Kaya nga may nagr-ronda tuwing gabi dahil naghahanap kung may lumalabag ba sa batas na ipinatupad. Kung may parusa? Iyon ang hindi niya alam.  Kinuha niya ang tubigan at uminom dito. Pagkatapos ay kinuha niya ang phone at in-on ang plaslayt sabay tapat ng ilaw nito sa kaniyang harapan kung nasaan ang mansiyon. Ang laki ngunit ito ay hindi pang-moderno. Animo'y ang nakatira rito ay sinaunang tao dahil sa estilo ng bahay. May malaking gate sa unahan niya at hindi niya alam mung paano makakapasok sa loob. Ito pa lang ang unang beses na nakita niya ang mansiyon dahil hindi naman siya interesado na makita ang pinakamalaking bahay na nasa loob ng Dark Village. Dark. Just like the house.  She can't feel any emotion while looking at the mansion. It's not feel homey. Mukha itong inabandona na dahil sa kapaligiran. Madilim at hindi mababakasan ng kasiyahan ang labas ng mansiyon.  Iwinaksi niya ang naiisip. Hindi dapat ganoon ang laman ng utak niya. May hamon pa siya na dapat gawin at sa ngayon, dapat mag-isip siya kung paano makakapasok. Hindi naman puwede na akyatin niya iyon dahil masyadong mataas ito para sa isang katulad niya na hindi eksperto pagdating sa akyatan.  Humakbang siya ng isa pa-abante. Dalawa, tatlo... pito hanggang sa abot na niya ang bakal ng tarangkahan. Hinawakan niya ito at nakaramdam ng kaba nang bigla itong bumukas na para bang inaasahan ang kaniyang pagdating. Napaawang ang bibig niya ng kusang humiwalay sa isa't isa ang dalawang tarangkahan hanggang sa tuluyan na itong bumukas. Bigla umihip ang malakas na hangin at kahit papa-umaga na ay pakiramdam niya ay mas lalong dumilim sa paligid. Nang hindi pa siya makuntento sa ilaw na hatid ng dala niyang gadyet ay ang plaslayt na ang kinuha niya sa bag.  Ayon, maliwanag.  Dahan-dahan siyang naglakad papasok at hindi niya na napansin na unti-unti ring nagsasara ng kusa ang tarangkahan. Napalingon lamang siya roon ng maglikha ng ingay ang pagsarado nito ng tuluyan.  Dahil doon, umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib. "Damn, scary." She whispered and continue walking. Noong una, kusa itong bumukas na para bang hinihintay siya. At ngayon, kusa itong sumarado na para bang sinisigurado na hindi na siya makakalabas pa sa mansiyon na ito.  Iwinaksi niya iyon sa isipan. Ayaw niyang magdala ng takot ang ideya na naisip sa kaniya. Gusto niyang matiwasay at walang takot na nararamdaman siyang lalabas dito pagkatapos niya maisagawa ang hamon na ibinigay. Bawat hakbang niya ay naglilikha ng ingay ang mga tuyong dahon na kaniyang naaapakan. Nagpapasalamat na lamang siya at hindi matataas ang d**o sa kaniyang nilalakaran kung hindi ay tiyak na mahihirapan siya. She push the button of the flashlight into three. Para maliwanag niyang makita ang pasilyo na kaniyang sinusundan sa hindi niya alam na destinasyon. Ang importante sa kaniya ay makapunta sa likuran ng mansiyon na ito para tuluyang maisagawa ang dapat na gawin. Ilang minuto ang nagdaan at natagpuan niya ang sarili sa pintuan papasok sa mansiyon. Doon siya inihatid ng pasilyong sinusundan lamang niya ang direksiyon. Napayakap siya nang mahigpit sa sarili nang mas lalong lumakas at lumamig ang hangin na humahampas sa kaniyang balat. Kahit may tsaketa ay kulang pa rin ang makapal na telang iyon pangontra sa lamig ng panahon.  Pinagmasdan niya ang paligid. Hindi katulad ng ibang bahay o mansiyon na may pasilyo sa magkabilang gilid, ito ay wala. Iisang pasilyo lamang ang nakita niya at iyon nga ang nagdala sa kaniya sa harap mismo ng mansiyon.  Napaisip siya. Kung ganoon ay para makapunta sa likuran, kailangan kong makapasok dito at gamitin ang back door. Pagtanto niya.  Kung walang ibang paraan, kailangan niya talagang pumasok sa loob. Siguradong may pinto ito sa likuran.  Ngunit paano? Paano siya makakapasok sa malaking pintuan na nasa harapan niya? Hindi katulad ng nasa gate kanina na bubukas na lamang ito bigla at makakapasok na siya ng walang ginagawa. Napabuntong-hininga siya at nilapitan ang dambuhalang pinto.  Kung kakatok ba siya, may magbubukas? Napailing siya sa naisip. Sa dilim ng mansiyon na ito, sigurado siyang walang tao sa loob na magbubukas ng pinto para sa kaniya. But I was wrong.  Nasa ere pa lang ang kamay niya para sana subukang kumatok nang bigla na lamang ito bumukas katulad sa tarangkahan sa labas. Napaawang ang labi niya. Katulad na katulad sa naging reaksiyon niya noong una.  Sa pagkakataong ito, hindi kusang bumukas ang pintuan. Naibaba niya ang kamay na nasa ere at isang beses na humakbang paatras nang may maaninag na bulto ng katawan.  Kumabog na naman sa kaba ang puso niya na ngayon ay may kasamang takot. Takot para sa kaniyang sarili.  Anong sasabihin ko?  Kumurap-kurap siya ng ilang beses bago mabitawan ang hawak na plaslayt. Napahakbang ulit siya paatras pero hindi lang isa ang ginawa niyang paghakbang ngunit apat. Apat na hakbang bago huminto sa paglalakad ang naaninag niyang bulto ng katawan sa gitna ng dilim.  Ikinubli niya sa likod ang nanginginig na kamay. Naitago rin niya ang labi na nanginginig sa kaba at takot na nararamdaman. I've never been scared before until today... Napalunok siya. "Don't hurt me..." she whispered inspite of her feeling nervous and scared.  "You step on the wrong ground, lady," the person in the dark dangerously said but because of her flowing emotions, she did not understand it and let the darkness alone drown her. "I JUST saw her in the middle of darkness. Hindi ko kasalanan kung bakit napadpad dito ang babaeng iyan." Nagising ang diwa ng dalaga dahil sa ingay na naririnig. Boses, dalawang boses ang naririnig niya ngunit ang mga mata niya ay hindi pa rin niya maimulat. "You could have just leave her alone. Baka kung anong problema ang dala niya. Hindi ka talaga nag-iisip, ano? Hindi mo man lang naisip na baka may masama siyang dala na kapahamakan sa ating lahat. Ang tanga mo talaga." "It's not my fault that I still have my conscience with me."  "Enough, you two," followed by another unfamiliar voice. "My patient is awake. You may now all leave."  Tuluyan na niyang naimulat ang mga mata. Noong una ay malabo ang kaniyang paningin but when her sight adjusted, the first color that her eyes caught was red. Nanatili siyang nakatitig sa kisame ng ilang segundo hanggang sa makarinig ng tikhim. "Natandaan mo ba ang ginawa mo?"  Napalingon siya rito. Babae. Naka-all black ang suot nito at kulay lila ang labi. Mataas ang pagkakapusod ng kulay itim nitong buhok at sa mukha pa lamang, masasabi niyang mataray ang isang ito. May maputing balat din ito na nangingibabaw sa kaniyang kasuotan. Nakataas ang kilay na nagsalita ulit ito. "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang tanong ko?" "I..." napalunok siya at inilibot ang tingin sa paligid. "Nasaan ako?" Tanong niya at tumingin pa sa dalawang panauhin na matamaan siyang pinagmamasdan.  "Nasa mansiyon ka," sambit ng lalaki na nakasuot ng white plain tee-shirt at lumabas. Sumunod naman dito ang mataray na babae.  Napalingon siya sa isa. Hindi katulad ng dalawa kanina, ito ay nakasuot na robang pang-doktor.  "Nasaan ako?" Ulit niya at dahan-dahang umupo sa kama. Sa halip na sagutin ay tinitigan lamang siya nito na wari'y binabasa ang kaniyang isipan. Mayamaya pa ay kumunot ang noo nito. "Nasa mansiyon ka," sagot nito.  Nagsalubong ang kilay niya.  "Walang ibang sagot?" Nakangiwi niyang tanong. Ang naalala niya lang naman ay... bigla ay napasiksik siya sa kama. Itinaas ang paa at niyakap ang tuhod habang takot na takot na tumingin sa lalaki. "Huwag niyo akong sasaktan..." Nanginginig ang boses na sambit niya.  Napailing ito. "Hindi ako ang magd-desisyon sa bagay na iyan, babae." Napayuko siya. "Hindi ko sinasadya..." aniya na bakas pa rin ang takot sa boses.  Napabuntong-hininga ng doktor. "Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong mamasyal sa gitna ng dilim? At sa lahat ng papasyalan mo ay ang mansiyon pa ang napili mo," umiling-iling ito. "Ganoon ba kayo mga tao? Mga hayok sa abentura." Naguluhan siya sa huling sinabi nito. Mga tao? Ngunit ang pagtataka na iyon ay nawala nang lumapit ito sa kaniya at marahang hinimas ang kaniyang buhok.  "Mapapahamak ka sa ginawa mo," anito sa mahinang boses. "Bakit mo nga ba iyon ginawa? May hidden agenda ka ba kung bakit ka pumunta rito?" Tanong nito at humakbang paatras. Napayuko siya.  "Wala..." utal niyang sagot. Hindi puwede na sabihin niya ang binabalak niyang pagkuha ng litrato ng puntod sa namatay na si Darius Hale. Naisip niya, nandito na lang din naman siya sa mansiyon, malaya niyang maisagawa ang hamon.  Humalukipkip ito at pinagmasdan siya ng maigi. Siya naman ay pilit sinasalubong ang mata nito para hindi mahalatang nagsisinungaling siya.  "Wala nga ba?" Nagdududa nitong saad.  Umiling siya. "Wala." Tuwid at matigas niyang sagot dito na hindi hinihiwalayan ang tingin nito.  Ilang segundo pa sila nagtitigan bago unang sumuko ang doktor at bumuntong-hininga.  "Naabutan ka namin na walang malay kaninang madaling araw sa labas ng mansiyon kaya ka namin dinala rito sa loob. Labing-tatlong oras kang nakaratay riyan sa kama at mahimbing na natutulog na binabawi ang lakas na nawala sa 'yo dahil sa lamig ng panahon. Wala namang naging komplikasiyon sa katawan mo maliban sa nanghihina ka." Tahimik siyang nakikinig dito. "Sa ngayon ay kailangan mong kumain dahil nalipasan ka na ng gutom. Para na rin maibalik ang enerhiya na nawala sa sistema mo," tumingin ito sa pambisig na orasan at sa kaniya. "Aalis na ako. Ipapahatid ko na lang ang pagkain mo rito. At huwag na huwag kang lalabas sa silid na ito hangga't hindi ko sinasabi, maliwanag?" Tumango siya. Pinagmasdan pa siya nito ng ilang segundo bago umalis sa silid. Siya naman ay pinakawalan ang kanina niya pang pinipigilan na hininga.  As if. Umalis siya sa kama at pinagmasdan ulit ang silid.  Red. Bloody red.  Walang ibang kulay ito kung hindi ay kulay pula na may halong kakaunting itim. Tanging ang malaking kama, maliit na mesa, at isang sofa ang naroon. Bukod doon ay wala ng espesyal pa sa kuwartong kinalalagyan niya.  Umupo siya sa upuan at napatulala sa kawalan.  What now? Anong gagawin ko? Tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD