bc

My Written Denouement

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
others
escape while being pregnant
tragedy
sweet
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

How can a trembling hand hold tightly? How can a numb soul write a story firmly?

Always trying to scribble a happy ending without knowing that it's already written?

Addayah Amelia wants to escape so bad. Run and forget everything but she'll never leave her pen. It's her sword, a comfort zone with her blank sheets.

Everyday trying to write the things that she wants. She wanted to recreate her life because the world failed to give her a better one.

A suicidal sister, a self-centered mother, and a sick father. But the worst is her innocent heart destroyed by the love of her life.

How to survived? Or should we ask for a way to escape?

Susulat parin siya sa pagbabakasakaling pakikinggan siya ng mundo. Aasang baka isang araw hindi na siya ang bubuo sa mga pahina at letra nito.

Sana balang araw, kusang ibigay sa kaniya ang kompletong libro ng pagtatapos ng kaniyang kwento. The final, the ending, and the last chapter consist of her... written denouement.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Simula "Toni Morisson once said, if there's a book that you want to read, but it hasn't been written yet, then you must write it." Maligayang sambit sa akin ni Mr. Manalo habang panay ang ayos ng mga librong nasa bookshelf. Halos pitong taon na rin siyang librarian ng Northeastern Mindanao Colleges at simula noong unang araw ko pa lamang dito ay madalas ko na siyang makita kaya naging malapit na din ako sa kaniya dahil sa palaging pag tambay sa Library. Binalingan ko siya at tinitigan nang matagal na para bang may kung ano pa akong mahahagilap sa mga mata niya. "Paano kung gusto kong basahin ang sarili kong kwento? I mean, kwento ng buhay ko." Natatawa kong tanong bago nag-iwas ng tingin. "Then you must write it, kid." Nakangiting tugon niya bago ako tinalikuran. Naglakad ito palayo ngunit nanatili ang pagkakapako ng paningin ko sa malapad ngunit medyo nakayuko niya ng likuran. I heaved a sighed before gathering all my things. Kailangan ko na ring umuwi dahil marami pa akong aasikasuhin sa bahay. Hindi naman din ganoon ka rami ang mga ginawa namin kanina sa classroom lalo pa at kakasimula pa lamang ng klase noong isang araw. Siguro ay maganda ang bungad ng Agosto sa mga guro ngayon kung kaya't hindi agad pinapahirapan ang mga estudyante. Mabilis akong nakabalik sa BS in Business Administration na building upang kuhanin ang iba ko pang gamit. Hindi ko na rin alintana pa ang ilang beses na laging pag-akyat baba sa mga hagdanan ng paaralan. Sa apat na taon ko rito'y ngayon pa ba ako mapapagod? Bachelor of Science in Business Administration major in Management Accounting ang kinuha ko at four years course iyon. Kaya ngayong nasa ikaapat na taon na ako mas lalo ko ng pagsisikapan. Agad ang pagsalubong ng mga Criminology students sa entrada ng school habang papalabas ako. Doon sila madalas tumambay dahil na rin kailangang siguraduhin ang kaayusan at hindi maging magulo ang ibang mga mag-aaral. Ang iba sa kanila'y nakakakilala na sa akin ngunit hindi na ako tumigil pa para bumati dahil masiyado akong nagmamadali. Tanaw ko rin sa unahan ang mga makukulit na Senior high school students suot ang medyo may kaiklian nilang uniporme, partnered with their cute black socks above their knee, they looked so young and indeed a teenagers still enjoying their teenage life. Balang araw darating din sa kanila ang unos ng buhay at hihilingin ko sa maykapal na sana ay malagpasan iyon ng bawat isa sa kanila. Napangiti din agad ako ng bumungad sa akin ang masarap na amoy ng mga street foods na naroon. Isaw, kwik-kwik, siomai at ang mga palamig na hindi nakakasawa dahil sa mainit na sikat ng araw but I managed to ignore those tempting foods dahil baka gabihin ako at bulyawan na naman ni Mama. Nilagpasan ko lahat ng iba pang mga kakilala hanggang sa madaanan ko ang grupo ng mga estudyanteng mga taga Computer Science. Lahat silay nakapokus lamang sa mga kinakain at panay pa ang tawanan. Ayaw ko talaga sa maiingay, I hate their vibes. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may kung sinong nakaagaw ng atensiyon ko. A guy wearing a glasses turned his gaze to me. He was holding his bag while it's hanging from his right shoulder. He stared at me like I'm a puzzle that he'll going to solve, to complete, or a book that he wants to read. I scanned his uniform. Malinis ang puting polo at walang gusot ang slacks na suot. Malinis din ang gupit nito dahilan para mas madepina ang malalalim niyang mga mata. Napakurap-kurap ako ng bumaba ang tingin ko mula sa matangos niyang ilong pababa sa manipis nitong mga labi. Sa huli ay napilitan akong ikunot ang noo ko upang tuluyang mag-iwas nang tingin ang lalaki ngunit nabigo ako. Hindi man lamang siya kumurap kaya ako na lamang ang nagkusang ialis ang tingin sa kaniya. Pakiramdam ko'y natuyuan ako ng laway ng tuluyang malagpasan sila. I sighed, siguro ay naintimidate lang ako doon sa lalaki kanina dahil mukha itong matalino at yayamanin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at iwinaksi sa isipan ang tagpong iyon kanina. Nakihalubilo ako sa dagat ng mga taong naroon. Humanap ako ng Multicab na masasakyan pa Checkpoint dahil barangay Rizal pa ang uwi ko. Mabilis akong pumwesto sa dulo upang hindi madistorbo ng iba pang mga sasakay. I immediately put my earphones and close my eyes while enjoying how my hair blown by the wind from the window behind me. Hindi pa rin umaandar ang Multicab ngunit ramdam ko ang pagsakay ng iba pang mga pasahero. This is my favorite part of my everyday routine while I am surpassing my college life. Tuwing pasakay na ang pinaka paborito ko sa lahat dahil doon ko lang nararamdaman ang ginhawang madalas ipagkait sa akin ng mga obligasiyon ko sa araw-araw. I don't know, masarap lang sa pakiramdam, siguro dahil sa hanging dumadampi sa balat ko tuwing aandar na't umuusad ang sasakyan. It feels so refreshing. Nang umandar na ng tuluyan ang Multicab ay natanto kong puno na siguro ito kaya nakangiti kong iminulat ang mga mata mula sa pagkakapikit ngunit halos hindi ko malunok ang sariling laway ng matanto kung sino ang nasa harapan ko. A guy was shamelessly staring at me while trying to suppressed his smile. He immediately looked away when he realized that I am not pleased about his presence. Siya rin iyong lalaki kanina kaya hindi ko mapigilang hindi ikunot ang noo dahil sa pagtataka. Sa huli ay hindi ko na lamang pinansin ang lalaki dahil wala rin naman itong ginagawang masama. Ilang minuto pa ang lumipas ng tuluyan akong mag para upang makababa na. "Dito lang po." Iniabot ko kaagad ang pamasahe kay Manong driver. Nakita ko pa kung paano sinundan ng lalaki ang kamay ko pero mas pinili ko na lamang itong balewalain. Pahirapan pa ako sa pagyuko para makababa dahil punong-puno ang magkabilang upuan ng Multicab kaya ng tuluyang makalabas doon ay napahinga na lamang ako ng malalim. Agad bumungad sa akin ang mga tricycle driver na panay ang tanong kung saan ako dahil kapag Brgy. Rizal ang uwi mo ay kailangan mo pang mag double ride pagkatapos mong huminto ng Checkpoint. "Rizal ka Miss?" Lumiwanag ang mukha ko at tatango na sana kay Manong ng biglang may kung sinong humawak sa braso ko kaya alerto akong napalingon sa likuran at umatras. Bumungad sa akin ang matangkad at nakasalaming lalaking iyon na kanina pa winiwindang ang araw ko mula pa sa school hanggang sa pagsakay ko. "Sinusundan mo ba ako?" Iritado kong tanong dito pero sinuklian niya lamang ako ng ngisi bago mag abot ng kung anong bagay sa akin. "Naihulog mo 'to kanina sa school. Isasauli ko lang." Aniya at iniabot sa akin ang kulay asul kong panyo na hindi ko man lamang namalayang naihulog ko pala. Mabilis kong tinanggap ang panyo kahit pa gulat pa din sa pagiging masiyadong husky at manly ng boses niya. Gusto ko mang mahiya dahil napagbintangan ko ang lalaki ay hindi ko maiwasang panliitan ito ng mga mata dahil kung ito lang ang pakay niya'y sana iniabot niya na kanina pa sa Multicab. "Salamat, but you should've give this to me in the Multicab." Masungit kong sambit habang ibinubulsa ang panyo ko. "Uh, natakot lang ako at baka singhalan mo akong bigla. Mukha ka kasing mataray." Paliwanag niya at gusto kong matawa sa rason niya dahil nakakatawa naman talaga iyon. "A stranger won't shout on you for giving their handkerchief back because they dropped it somewhere." Sarkastiko kong tugon at tatalikuran na sana siya ng muli ko siyang nilingon. "Pero salamat." Sensiro kong pahabol bago tinanguan ang naghihintay na si Manong driver. Noong makauwi ng bahay ay mabilis na nahanap ng mga mata ko ang amang matamlay na nanonood nang telebesiyon. Kita ko kung paano kumislap ang mga mata niya habang nakatitig sa pinapanood. My father is a savior for me since then until now. Sabihin na nating buong araw lamang siyang nakaupo at wala ng nagagawa pa tulad ng dati. He used to carry me everytime I cried because my mother beaten me up. He used to bring candies for me to make me feel better everytime my classmates bullied me. But everything changed so quickly just like how the moon disappeared every night. Three years ago, naaksidente si Papa. He used to drive a ten wheeler truck to deliver beers everyday. Nagtatrabaho siya sa isang kompanya ng mga inumin pero sa kasamaang palad ay sadyang malupit ang kapalaran. Na stroke si Papa at hanggang ngayo'y hindi na makalakad pa. Pero para sa akin, he remains as my savior. Sa tuwing bibigyan niya ako ng ngiti, pakiramdam ko kaya ko na ulit. Pakiramdam ko nawawala ang pagod ko kahit hirap na hirap na ako. Ngumiti ako at masiglang nilapitan si Papa. Hirap siya ng lingunin niya ako. Laging nakatagilid ang ulo niya, hirap din siyang igalaw ang mga kamay, maging ang paglalakad ay hindi niya na kaya. Hinaplos ko ang pisngi niya at binigyan siya ng halik dito. Napangiti siya kahit pa nahihirapan. This is what I mean. Parang lahat ng pagod ko buong araw ay nawala. Parang akong uminom ng energy drink na tila ba nabuhayan akong simulan ulit ang lahat. My father is indeed my savior. "Ate?" Mabilis akong napalingon sa aking likuran ng makita ang masigla at maaliwalas na mukha ng aking kapatid. "Kakauwi mo lang?" Tanong ni Amayah sabay lapit sa akin upang bigyan ako ng halik. "Oo. Ikaw, kanina ka pa ba?" Tanong ko pabalik bago muling inilibot ang paningin ngunit nabigo ako sa paghahanap. "Umalis na naman ba si Mama?" Tanong kong puno ng pagkabigo. "Oo, pagkauwi na pagkauwi ko ay umalis din siya. Pagdating ko nga ay sinisinghalan si Papa at bakit daw nagiging dahilan pa kung bakit hindi siya maka alis-alis ng bahay." Napailing-iling ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi na nakapagtataka pa at nasanay na kami sa kaniya. Hindi ko nga alam kung mayroon siyang malasakit sa pamilya ni katiting o kahit kay Papa na lamang na hanggang ngayon ay hindi makakilos ng maayos gaya ng dati. "Hayaan mo na. Ikaw kumusta ang eskwela?" Tanong kong muli upang maiwala ang usapan. "Ayos lang ate. Gusto ko na nga lumipat diyan sa siyudad dahil sobrang toxic ng school dito sa baranggay. Biruin mo nasa top 5 lang ako, palibhasa hindi ako nagdodonate ng mga pintura sa school. " Reklamo niya na mabilis kong tinawaman. "Tss, naku hayaan mo na, eh wala namang mga binatbat iyang mga 'yan sa'yo sa debate." Pampalubag loob ko sa kaniya dahil madalas niya talagang sabihin iyon. Pabiro siyang umirap at kunwaring naiiritang hinampas ang balikat ko bago nag-abot ng kung ano sa akin. "Oh ayan, kita ng kakanin kila Aling Bebeng." Aniya at nilugay ang mahabang buhok bago tumabi kay Papa. I used to make kakanin every day. Madaling araw pa lamang ay nagsisimula na akong magluto upang matapos bago ako pumasok at ipinapadala sa kapatid ko sa canteen ng school nila dahil malaki ang kitaan doon. Kahit papaano ay nakakatulong iyon sa pang araw-araw naming gastusin at mga bayarin. "Ate free ka ba sa sabado?" Napatigil naman ako sa pagtatanggal ng sapatos ko dahil sa tanong ni Ayah. "Hmm, bakit?" Tanong ko. "Niyaya kasi ako ni Mina. May project kami about contemporary at kailangan naming mag photoshoot. Pwede namang cellphone lamang ang gamitin, nag offer kasi ang kaibigan ng Kuya niya na magaling sa photography kaya why not diba?" Mahaba niyang paliwanag pero binigyan ko lamang siya ng nakakunot na noo. "Eh anong kinalaman ko diyan?" Mataray Kong tanong. "Magpapasama kasi sana ako. Medyo ayaw ko kasi pag nandiyan ang kuya ni Mina. Medyo hindi ko gusto ang ugali. Sumama ka na." Paliwanag niya. "Paano si Papa?" Tanong kong muli bago tumayo at bumuntong hininga. "Subukan kong kausapin si Mama." Sa huli ay napatango na lamang ako upang matahimik siya dahil buong gabi na naman siyang mag-iiingay kapag humindi ako. Kinabukasan ay alas tres pa lamang ay gising na ako. Hinanda ko kaagad lahat ng gagamitin ko sa pagluluto. Kailangan kong matapos ng maaga para madala rin ito ng maaga ni Ayah sa school. She will going to leave this in the canteen and ask the other vendor to look for it since she still have class. Mayroon din namang matatanggap na komisyon ang tinderang iyon. Maaga rin namang nagising si Ayah upang asikasuhin si Papa. Ngunit kahit sa pagtatrabaho ko sa kusina ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Mama. Hindi na naman siya umuwi kagabi. Sigurado ako at nakitulog na naman iyon sa mga mayayaman niya raw na mga kaibigan. I don't know but ever since we lost our business before naging ganito na siya. Dati ay mayroon kaming bakeshop habang si Papa naman ay nagtatrabaho parin sa dating kompanyang pinapasukan niya. Mama used to manage the bakery at masaya siya sa ginagawa niya dahil hindi pa kami nalulugi noon. Pero simula pa naman noon hindi na lingid sa akin ang madalas na pagiging self-centered niya. Not until na aksidente si Papa. She became so furious at sinisi niya pa si Papa sa lahat lalo na ng mapunta lahat ng ipon namin sa pagpapagamot kay Papa. Natigil ako sa mahabang pag-iisip ng bigla ay nakarinig ako ng malakas na hampas sa pintuan. "Adah! Ayah! Buksan niyo ang pinto!" Natanto kong sa wakas ay si Mama na iyon. Mabilis akong nagpunas ng kamay at pinagbuksan siya. "Sandali ho." Tugon ko bago tuluyang nabuksan ang pinto. Ngunit agad ang panlalaki ng mga mata ko ng bigla ay may malamig na kamay ang dumapo sa aking pisngi. "Kanina pa ako katok ng katok! Mga tamad kayo! Pati pagbukas ng pinto." Reklamo niya at mabilis na naglakad papasok ng kwarto. Lasing na naman siya. "Ayos ka lang ba ate?" Ayah ask. I wanted to cry again. It's not that I am really hurt kasi sanay naman na ako sa ganoon. Pero iyong ganito na lamang siya lagi tuwing uuwi ay para akong nadudurog tuwing naiisip kong wala na ngang pag-asang maging ayos ang pamilya. "Ayos Lang ako Ayah. Alas singko na at medyo may natitira pa akong lulutuin. Mag-ayos ka na." Sagot ko para huwag na siyang mag-alala. Gaya ng nakasanayang mga araw pumasok ako ng maraming iniisip. Pagod at laging okupado ang isipan. Gusto ko munang matahimik ang buhay. Just like the usual days. I need to toughen myself for the family. Siguro ay malakas si Mama, malakas din si Ayah, ngunit alam ko ako lamang ang makakapitan nila. Our family doesn't have strong foundation anymore. Para kaming nakalutang na lamang. I wanted to create something. Something that will strengthen me to give life in our doomed family.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook