CHAPTER 11: SECRETS IN THE SUNLIGHT

829 Words
(Ameenah's POV) ISANG LINGGO NA ANG NAKALIPAS mula nung magkahubdan kami sa ulan sa construction site, at ang alaala ng kamay ni Rafa na dahan-dahang humawak sa akin ay nanatiling mainit sa aking balat. Parang bawat cell sa katawan ko ay gising na gising, nag-aantabay sa susunod na pagkakataon na makikita ko siya. "Ano'ng iniisip mo, 'Nah?" tanong ni Sophie habang nagsho-shopping kami sa Abreeza Mall. "Parang wala ka sa sarili mo. May problema ba?" Wala akong masagot agad. Paano ko ieeexplain na ang problema ko ay isang lalaking hindi ko dapat minamahal? Paano ko sasabihin na habang nagtitingin kami ng mga damit, ang isip ko ay nasa isang lalaking nagtratrabaho sa construction site, na ang mga kamay ay marumi sa semento pero mas malinis ang puso kaysa sa maraming lalaking nakilala ko? "Wala lang, Soph. Pagod lang siguro," sabi ko, pinipilit ang ngiti. Pero alam ni Sophie na may something. Bilang pinsan ko at pinakamatalik na kaibigan, nakikita niya ang mga pagbabago sa akin. Nakikita niya ang liwanag sa mga mata ko tuwing may text message, ang sekretong ngiti na hindi ko mapigilan. Habang naglalakad kami papunta sa food court, bigla kong nakita si Mark Lim kasama ang kanyang mga kaibigan. Agad akong napatalikod, nagtago sa likod ng isang store display. "Ano'ng nangyari?" gulat na tanong ni Sophie. "Si Mark," bulong ko. "Ayokong makita niya tayo." Sophie tumingin sa direksyon ko at ngumisi. "Ah, ganon ba 'yan? So may iba ka nang gustong lalaki?" Hindi ako sumagot, pero ang pamumula ng aking mga pisngi ay nagsalita para sa akin. "Teh, kung may nakilala ka mang iba, suportado kita. Alam mong ayoko rin ng arranged marriage na 'yan," sabi ni Sophie habang nagtago kami sa loob ng fitting room. "Pero ingat ka lang. Alam mo kung gaano kastrict si Tito Jamil." Alam ko. At iyon ang takot ko. Nang makalabas na kami ng mall at siguradong wala na si Mark, tumawag si Rafa. "Hello?" sagot ko, trying to sound casual kahit na bumilis ang t***k ng puso ko. "Hi, Ameenah. May bago akong naisip para sa children's section ng library. Puwede ba kitang makita mamaya? Kahit sandali lang." May hesitation sa kanyang boses, at alam kong hindi lang ito tungkol sa library. "Saan mo gusto?" tanong ko. "Sa People's Park? May bagong art installation doon na related sa Mindanaoan culture. Baka magustuhan mo." People's Park. Public place. Safe. Pero sapat na malayo sa mga lugar na madalas puntahan ng mga kakilala ng pamilya ko. "Okay," sabi ko. "Mga 4 PM?" "Perfect. See you there." Nang matapos ang tawag, nakita ko ang mukha ni Sophie na puno ng excitement. "So siya na 'yon? Ang mystery man?" tanong niya, nakangiti. "Soph, please—" "Relax, 'Nah. Hindi kita isusumbong. Pero gusto ko siyang makilala. Dapat approved siya ng best friend mo." Nang magkita kami ni Rafa sa People's Park, may dala siyang maliit na sketchbook at ang ngiting palaging nakakapagpainit ng puso ko. Nakasuot siya ng simple pero malinis na polo, at ang kanyang mga mata ay kumikinang ng excitement. "Eto ang naisip ko," sabi niya, ibinubukas ang sketchbook. "Interactive children's area na may traditional Mindanaoan games at storytelling corner. Para hindi lang passive ang pag-aaral nila." Habang nag-eexplain siya, napakaganda ng kanyang mga ideya. Hindi lang ito tungkol sa aesthetics—tungkol ito sa pag-create ng meaningful experiences para sa mga bata. "Rafa, ang ganda," sabi ko, genuinely impressed. "You really understand what these children need." "Kasi galing din ako sa ganitong komunidad," sabi niya. "Alam ko kung ano ang kulang, kung ano ang kailangan." Habang naglalakad kami sa park, nag-uusap kami tungkol sa aming mga pangarap. Tungkol sa kung ano ang gusto naming mangyari sa aming buhay, sa aming komunidad, sa aming lungsod. "Alam mo, Ameenah," sabi niya bigla, "kapag kasama kita, parang ang daling mangarap. Parang posible ang lahat." Tumigil kami sa harap ng bagong sculpture na gawa sa mga traditional weaving patterns. Ang sikat ng araw ay pumapailanlang sa amin, at sa sandaling iyon, para kaming nasa sarili naming mundo. "Rafa," sabi ko, "gusto kitang ipakilala kay Sophie. Siya ang pinsan ko na kasama ko kanina." Tumango siya, may bahagyang nerbiyos sa kanyang mga mata. "Sige. Gusto ko ring makilala ang mga importante sa buhay mo." Nag-usap kami ng isa pang oras, hanggang sa mag-text si Ben na naroon na siya sa parking lot para sunduin ako. "Kailangan ko nang umalis," sabi ko nang may pag-aatubili. "Oo, alam ko," sabi niya. "Pero bago ka umalis... may regalo ako para sa iyo." Inabot niya ang isang maliit na package na nakabalot sa simple pero magandang papel. "Bukas mo na buksan," sabi niya. "Kapag mag-isa ka na." Nang nasa sasakyan na ako papauwi, hinawakan ko ang maliit na package. Ang puso ko ay puno ng kagalakan at takot, ng pag-asa at pangamba. At alam kong sa bawat sandaling kasama ko siya, mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanya—isang pagmamahal na maaaring magwasak ng lahat ng alam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD