Prologue
6 Rules of being a Seeker.
°Find a mentor.
°Believe in your self.
°Find your sign.
°Face your fear.
°Realize your purpose.
°Face your destiny.
Welcome to Magnus Academy, you're lucky and half unlucky when you get in. Everyone is risky because this is a place of survival
Prologue
Sinugod ng mga Dark Abyss ang mga Mallians dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang parte sa pagitan ng trono at kapayapaan. Nais pamunuan ng Dark Abyss at sakupin ang mundo ng mga Millan dahil hindi sila sumasang-ayon sa napag kasunduang kapayapaan ng dalawang panig. Mataas ang nais ng dark abyss na sila ang mamuno sa mundo. Ang mga millan ay ang nagpapanatili ng kapayapaan at balanse ng mundo. Sila ang katiwala ng mga signs, dahil sa kagustuhang mamuno ng dark abyss ay napag desisyonan ng kataasang namumuno ng Millan na panahon na upang mag hananap ng bagong katiwala ang mga signs na mag-iingat sakanila upang hindi ito makuha ng dark abyss. Ang mga signs ay binubuo ng LOVE, LIGHT, PEACE at SOUL.
Puno ng usok ang paligid at wala nang nakikitang kahit na ano, kundi mga tunog ng espada lamang ang naririnig at mga pag sabog ng light at darkness.
"Tulungan niyo ang anak ko. " mula sa di kalayuan ay naagting ang pandinig ng Anna, dahil isang nagdadalang tao ang nakahandusay sa gitna ng labanan.
Dali-dali niyang nilapitan ang buntis at nagbabalak buhatin ngunit hinawakan lamang ng buntis ang kaniyang kamay.
" Hindi ko na kaya. Ipangako mo saakin bilang love sign keeper, iligtas mo ang anak ko. Mahal na mahal ko'to." tuluyang nawalan ng buhay ang buntis.
Labis na nadudurog ang puso ni Anna dahil hindi niya alam paano ililigtas ang bata sa gitna ng labanan. Hindi na siya nag dalawang isip pa at sinumulan na pag bigkas ng spell upang mailigtas ang saggol.
"Gasp." bumagsak sa lupa si Anna at hindi nito natapos ang kaniyang ritual.
"Anna, gumising ka." nailapag ni jacob ang kaniyang espada at hinagkos ang dalaga habang bumubuhos ang luha sa mga mata nito.
"Jacob, J-Jacob." whisper. sabay itinuro nito ang ilaw samay bandang kagubatan at humawak sa dibdib ng binata bago tuluyang pumanaw.
"Anna ano 'yun?" hindi na nailinaw pa ni jacob kung ano ang nais na iparating ng kasintahan.
Tumingin ito sa paligid at nakita niya na ang dalawa niya pang kasamahan ay nakadilat ang mga mata at wala nang malay. Ang mga Dark Abyss ay nais patayin ang lahat ng sign keepers.
Sa gitna ng labanan ay napag tanto ni Jacob mas mabuti kung linsanin niya narin ang mundo dahil sa dala ng lungkot at galit.
Isang grupo ng Dark Abyss ang susugod sa kaniyang pwesto. Pinikit nito ang kaniyang mga mata at tuluyang nag laho.
Hi guys prologue is a history event of this story. Let's all meet Kinsley Whistler at chapter 1.
Don't forget to vote, Comment, share and follow me for a small appreciation of this story.