Umuwing bagsak ang balikat ni Clinton sa bahay ni Flora. Nakaabang ng nobya niya doon at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Oh? Bakit ganiyan ang itsura ng baby damulag ko? May problema ba?" tanong nito sa kanya. Tipid na ngumiti si Clinton sabay iling. "Wala naman akong problema. Napagod lang ako sa mga inasikaso ko. Ikaw? Kumusta ka dito?" "Ayos lang naman ako. Wala. Kung ano ang trabaho ko, iyon ang ginagawa ko. Nagvi-video ako kanina tapos may pinost akong dalawa. Nakakatuwa lang dahil ang daming nag-click ng blue basket na naka-link sa akin. Ang laki kaagad ng commission ko now. Nakakaipon na talaga ako ng malaking pera," masayang wika ng kanyang nobya. Para tuloy maiiyak si Clinton sa mga sandaling iyon. Parang gusto niyang sabihin kay Flora ang hiling ni Rosa ngunit hindi n

