49

1028 Words

"Tangina talaga!" bulalas ni Clinton nang matanggap ang message ni Rosa. Video message iyon ng ginagawa niyang paglalaslas kung saan umaaagos ang dugo nito sa pulsuhan. Nandiri pa nga siya nang makita iyon. Ayaw niya sanang puntahan si Rosa ngunit alam niyang kapag hindi niya pinuntahan si Rosa, hindi siya patatahimikin ng kanyang konsensya. Maiisip at maiisip niya lang ang nakita niyang video. Mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan patungo sa bahay ni Rosa. Kulang na nga lang lumipad ito sa sobrang bilis. Nang makarating siya doon, naabutan niyang naliligo na sa sariling dugo si Rosa at wala na itong malay. "Tangina!" malakas niyang mura bago binuhat ang duguang si Rosa patungo sa kanyang sasakyan. Dinala niya sa pinakamalapit na ospital si Rosa. Habang hinihintay niya ang doctor, nai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD