"Hindi ba puwedeng umalis ka dito ng hindi sakto sa oras mo? Like may five minutes na pasobra?" malanding wika ni Rosa. "Hindi. Kung ano ang napag-usapan natin, iyon lang iyon. Huwag kang demanding dahil hindi naman kita girlfriend o asawa. Naaawa na nga lang ako sa iyo tapos kung umasta ka, parang asawa kita? Ibang klase rin ang kakapalan ng pagmumukha mo," galit niyang sabi sa babae. Nanlaki ang mata ni Rosa dahil galit na si Clinton. Hindi niya rin naiwasang kabahan. "Masyado ka namang mainit diyan. Syempre, nagbibiro lang ako. Huwag ka ng magalit." "Malapit na akong mapuno sa iyo, Rosa. Pagtapos nito, wala na akong pakialam pa sa iyo. Kung hindi ka susunod sa napag-usapan natin, humanda ka na sa akin. Sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo," gigil niyang sabi

