"Sa iyo ito? Isa ito sa pagmamay ari mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Flora habang nakatingala. Pinagmamasdan niya ang mataas na gusali na nasa kanyang harapan. Isa iyon sa pagmamay-ari ni Clinton. One of the top condo hotels sa bansa. Spacious at hindi tinipid ang materyales sa pagbuo ng gusaling iyon. Maganda lahat ang design sa gusali at high security ang lugar. Hindi basta-basta makakapasok ang kung sino kung walang pahintulot ng mismong unit owner. "Yes. Sa akin ito. Buka na natin puntahan iyong isa naman. Mag-enjoy ka sa pagligo sa bawat condo na pupunta natin. Halika na. Para makapag-swimming na ka na," wika ni Clinton sabay lahad ng kamay kay Flora. Habang naglalakad sila, ang bawat empleyado doon ay binabati si Clinton. Napapangiti na lang si Flora at nakaramdam ng hiya. Sa is

