"Alam ko na ang dahilan kung bakit kaya pinakasalan." Nanlaki ang mga mata ni Flora nang magsalita si Clinton. Kararating lang din nito galing kung saan. Hindi naman sa kaniya sinabi ni Clinton kung saan ito nagpunta, basta ang sabi niya may sagot na sa kaibigan niyang nilapitan niya para imbestigahan si Jack. Ang hindi alam ni Flora, tauhan iyon ni Clinton na kaniyang binayaran para alamin ang buong pagkatao ng dating asawa ni Flora. "A-Ano raw ang d-dahilan?" Bumuntong hininga si Clinton bago tumingin kay Flora. "Bakla na siya dati pa. At tanggap naman iyong ng lola niya. Dalawa silang apo ng lola niya na bakla. At bago sila makakuha ng mana sa kanilang lola, kahit bakla sila kailangan nilang magkaroon ng asawa't anak. Iyon ang dahilan kung bakit kaya niya pinakasalan. Iyon din ang da

