"Hin.... h-hindi..." nanginginig ang labi ni Flora kasabay ng pag-agos ng kaniyang luha. Tumayo siya at saka kumaripas ng takbo palabas sa fastfood doon upang habulin ang kaniyang dating asawa ngunit nakasakay na ito ng sasakyan. Panay ang agos ng kaniyang luha habang nanginginig ang kaniyang kalamnan. Agad namang sumunod sa kaniya si Clinton at saka siya niyakap. "Flora..." Hinaplos ni Clinton ang likod ni Flora. Kahit siya ay nagulat nang makita iyon. Hindi niya nga inakala noong una na dating asawa ni Flora ang may kahalikang lalaki. Panay ang iyak ni Flora dahil masakit para sa kaniya na malamang hindi pala tunay na lalaki ang kaniyang asawa.. Bagkus, lalaki pala ang hanap nito. "Ipinagpalit niya ako sa isang lalaki? Sa lalaki?! Tangina niya! Mataganggap ko pa sana kung sa babae

