"Maiwan ko muna kayong dalawa. Mag-usap kayo," wika ni manang Elsa bago umalis. Tumingin si Flora kay Lance. Seryosong nakipagtitigan ang binata. "Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi puwede iyon 'no! Hindi mo naman anak ang dinadala ko. At isa pa, hindi naman kailangang gawin iyon." "Bakit hindi? Dahil gusto mo pa ring makipag -ayos sa tatay niyan?" Bumuga ng hangin si Flora. "Ano pa ba? Gusto kong buo pa rin ang pamilya ko. Ayoko ng ibang lalaki. Ayokong iba ang aako sa anak ko. Gusto ko na si Clinton pa rin ang kilalanin niyang tatay dahil siya naman talaga ang tatay ng anak ko," may diing wika ni Flora. Asar na tumawa si Lance. "Ibig sabihin, magpapakamartir ka na lang? Magpapakatanga ka? Niloko ka na at nagsinungaling pa sa iyo tapos tatanggapin mo lang na parang walang nangyari?" T

