Kinabukasan, umalis na si Lance para bumalik sa kanila at para na rin malaman kung kumusta na ang kanyang kapatid. Mag-isa lang sa kanyang inuupahan si Flora. Pagdating ng hapon, naisipan niyang lumabas ng bahay. Sakto namang nasa labas si manang Elsa. Nilapitan niya ang matanda. "Dapat ingatan mo ang sarili dahil nakunan ka na pala noon," wika ni manang Elsa. Bumuntong hininga si Flora. "Opo... kaya nga po nagpabili na ako ng prutas at gulay kay Lance bago siya umalis eh." "Hindi mo pala boyfriend ang lalaking iyon. Ano mo siya?" "Wala lang po eh. Nakilala ko lang din. Tinulungan ko lang din siya tapos ayon, nagkakausap-usap kami. Eh iyong tiyahin niya po kasi ay malandi. Inaagaw sa akin ang boyfriend ko kaya nga nag-away kami at nilayasan ko iyong buwisit kong boyfriend. Tanda-tanda

