Hindi nakatulog ng maayos si Flora kagabi dahil gulong - gulo na siya sa kanyang sarili. Iniisip niyang ayaw niya kay Clinton dahil nga sa matanda ito sa kanya ng ilang dekada. Ngunit tila may kakaiba sa katawan niya dahil hinahanap nito ang mainit na haplos ni Clinton. Hinahanap ng kanyang sistema ang bawat hagod at himas ni Clinton sa maselang parte ng kanyang katawan. 'Ahhh! Ano ba itong nangyayari sa akin? Nagiging haliparot na ako! Bakit ko na naiisip ang bagay na iyon? At bakit ba sarap na sarap ako sa tuwing may mangyayari sa amin?!' Sinabunutan ni Flora ang kanyang sarili. Inaalis niya sa isipan niya si Clinton ngunit hindi niya magawa. Nag-message siya kay Ava na puntahan siya para sabihin ang nagaganap sa kabilang dalawa ni Clinton. Dali-dali naman siyang pinuntahan ng kanyang

