Pagsapit ng ala sais ng gabi, hindi na mapakali si Clinton kahihintay kay Flora. Kanina pa siya panay message sa dalaga at nag-miss call na rin pero wala talaga itong response. Kinakabahan na tuloy siya. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan niya. Napansin naman ni Rosa ang pagkabalisa ni Clinton kaya nilapitan niya ito. 'Saan ba siya nagpunta? Doon ba talaga sa kaibigan niya? O baka naman doon sa lalaking gustong pormahan siya? Pero ayoko namang mag-isip ng masama tungkol sa kanya. Hindi naman siya ganoong klaseng babae...' "Kanina ka pa hindi mapakali diyan. May problema ba? Sabihin mo sa akin baka may maitulong ako sa iyo." Umiling si Clinton. "Walang problema. May iniisip lang ako. Iyon lang." "At ano naman ang iniisip mo? O sino?" Nakakunot ang ni Clinton na sinalubong ang tingin

