Napanganga si Flora sa kanyang narinig. Hindi niya inasahan iyon. Umamin na si Clinton ng kanyang nararamdaman. At nakikita niya sa mga mata nito ang pagiging seryoso. Ngunit natatakot siya. Ayaw na niyang masaktan pa. Hindi pa naghihilom ng tuluyan ang puso niya mula sa dating asawa. "M-Manong... s-sandali lang... naka-shabu ka ba o ano? Ang lakas ng tama mo," aniya bago alanganing natawa. Natatawang umiling si Clinton bago hinimas ang kanyang baba. "Ano? Mukha ba akong gumagamit ng ganoon?" Umiling si Flora habang nakangiwi. "H-Hindi naman pero ang lakas kasi ng tama mo ngayon, manong. Ano iyang pinagsasabi mo? Paano mo nasabi iyan?" "Flora... maniwala ka. Kilala ko ang sarili ko. Hindi ka na nawawala pa sa isipan ko, palagi kitang naiisip, nag-aalala ako kapag wala ka o hindi kita n

