"So ang pag -aayos pala ng sasakyan ang naging libangan mo? Wala kang ibang naging libangan bukod pa doon? Kagaya ng babae?" Mahinang tumawa si Clinton sabay tango. "Yes. Wala na. Hindi ko kasi alam kung magagawa kung palitan na lang basta ang yumao kong asawa. Siya lang kasi ang nilalaman ng puso ko. Pero hindi ko naman sinasabing hindi na ako mag-aasawa pa. Hinihintay ko lang ang babaeng magpapatibok muli ng aking puso." Humagikhik si Rosa. "Ako na yata ang babaeng iyon, Clinton. Bagay na bagay tayong dalawa. Tapos na rin ako sa pagiging play girl ko. Gusto ko na ng seryosohan. Kaya nang malaman kong nandito ka pala, agad akong pumunta. At nakakatuwa ang buhay mo dito. Napakasimple. Ibig sabihin, hindi nila alam na napakayaman mong tao? Paano iyong mga condo units at mga paupahan na pa

