33

1020 Words

Kahit papaano, naging kalmado si Flora nang samahan siyang gumala ni Bruce. Naging komportable siya sa binata. Maginoo ito at maasikaso. Hindi siya binibiro ni Bruce tungkol sa kapilyuhan. Naisip niyang bigla si Clinton na nagbibiro ng ganoon.. Sumilip siya sa bintana at nakita niya doon si Clinton na kausap si Rosa. Hindi niya maiwasang mainis lalo pa't nakikita niyang masaya si Clinton na kausap ang babae. 'Tsk! Ang tanda-tanda na ng manong na ito, haliparot pa rin! Ang sabi niya ako lang daw ang bumuhay sa natutulog niyang puso pero mayroon pa lang iba! Sinungaling na matanda!' Bumuntong hininga si Flora at saka nagtungo sa banyo. Nilinis niya ang kanyang katawan. Sinigurado niyang mabango siya. Kumuha siya ng suot pantulog. Mailing short pati na sando. Kitang-kita ang magandang kata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD