43

1006 Words

Matapos ang mainit na bakbakan nilang dalawa, muling bumalik sa tubig si Flora. Talagang sabik na sabik siyang lumangoy nang lumangoy sa malaking pool na iyon. Habang si Clinton naman, pabalik sa kanyang unit upang mag-asikaso ulit ng kanilang pagkain.. Laking gulat niya nang makita doon si Rosa. Nakatayo sa tapat ng pinto nito. Alam kasi ni Rosa na doon siya namamalagi kapag wala siyang balak umuwi. Bago pa man siya magkaroon ng bahay noon, sa unit na iyon talaga siya tumutuloy. "Anong ginagawa mo dito, Rosa?" Ngumisi ang babae. "So ibang babae na pala ang dinadala mo dito? Dati ako lang. Ngayon, iyong kapitbahay mo na? Kailan mo pa naisip pumatol sa bata sa iyo? Hindi lang basta bata sa iyo eh, napakalayo ng agwat niyo sa isa't isa!" Tumikhim si Clinton. Alam ni Rosa na hindi talaga s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD