CHAPTER 2

1541 Words
Nang sila'y makarating na sa bahay ay naabutan nga nilang naghihintay ang dalawang tao roon na parehong may mga porma naman at halatang may mga Pera at magagandang trabaho. Nakita naman ni Ricardo ang biglang pagkatuwa sa mukha ng tao nang siya'y makita nito. Malapad ang ngiting sumalubong ito sa kanila ng asawang si Elaiza. "Magandang tanghali! Ikaw si Ricardo? Alam kong nagugulat ka ngayon. At talagang hindi na ikakatanong kung anak ka ba ni Don Manuel Saavedra dahil namana mo ang hitsura ng iyong ama." Agad na sabi nito sa kanya at nakipagkamay agad ito. " Magandang araw po.." Bati ni Ricardo sa taong sumalubong sa kanila habang ang Isang kasama nito ay nanatiling nakaupo lang sa upuang yari sa kahoy na nasa labas ng kanilang bahay. Tinanggap nalang ni Ricardo ang pakikipagkamay ng lalaki. Sa isip ni Ricardo ay hindi niya mapaniwalaan kung totoong siya talaga ang sadya ng mga ito dahil siya'y anak ng Isang mayamang tao. " I'm Mr. Rafael Guanzon. ang inutusan ng tunay mong ama upang ikaw ay hanapin at iimbistigahan kung nasaan ka ngayon. Mabuti naman at di kami pinahirapan sa paghahanap sa'yo Seniorito Ricardo." Ang sabi pa nito sa kanya na muli niyang ikinagulat nang tawagin siya nitong Seniorito. " Sandali lang ho, maupo muna tayo sa loob, tuloy muna kayo sa loob ng bahay. Baka gusto niyo po ng kape? ipagtimpla kayo ng asawa ko." Ang sabi pa ni Ricardo. "Okay, upang makapag-usap tayo ng maayos." Tugon naman ni Mr. Rafael Guanzon. Tumuloy nga sila sa loob ng Bahay na tinirhan nina Ricardo at ng asawang si Elaiza. Nagtimpla naman ng kape si Elaiza at idinulot sa dalawang bisita pati ang asawang si Ricardo ay tinimplahan na rin niya. At nakikinig lang si Elaiza sa pag-uusap ng asawa at sa dalawang bisita nito. Ewan ba niya, dapat ay matuwa siya dahil sa nalamang napakayaman pala ng ama sa asawang si Ricardo ngunit hindi niya iyon naramdaman, kundi natatakot siya sa darating na mga pangyayari. Baka kung darating Ang panahon na di na siya kakailanganin ng asawa dahil naroon na ang lahat rito. Kung maraming Pera ang lalaki at guwapo ay maraming babaeng kakapit. At iyun ang ipinag-alala ni Elaiza. Ang girl friend nitong si Melanie na kanyang best friend ay may kaya iyon sa buhay at masyadong matapobre ang mga magulang kaya pati si Melanie ay nadala at makipagsama ngayon sa Isang matandang lalaki kahit na may asawang legal ang matandang lalaki na iyon ay pinatulan ng kanyang kaibigan dahil maraming Pera. Kaya kabit ang kinalalabasan ngayon ng kaibigang si Melanie. Mabait naman sana ito kaya nga naging kaibigan niya si Melanie at mahal na mahal ito ng asawang si Ricardo. Nasasaktan nga siya kung maiisip at maalala ang sobrang pagmamahal ng Asawa sa kanyang kaibigan. Ngunit Sabi nito ay huwag na niyang iisipin pa si Melanie upang di siya masaktan at kasal na sila kaya siya na daw ang minahal nito. Alam niyang Galit lang ang asawa sa kaibigan niyang kasintahan nito dati pero ang totoo ay di pa ito naka move-on ang asawa. Magaling lang magtagal ng feelings si Ricardo. " Kung totoong ama ko nga ang nahpapahanap sa akin, gusto kong siya mismo ang pupunta ngayon dito sa akin dahil hindi ako basta- basta na lang sasama sa inyo, Sir. Gusto kong patunayan niya dito sa harap ko at isasalaysay niya ang tungkol sa kanila ng aking namamahingang Ina ang nangyari kung paano sila nagka koneksyon sa isa't isa." Ang sabi pa ni Ricardo kay Mr. Guanzon. "Pero sana Ricardo, sumama ka nalang sa amin at doon na kayo sa Hacienda niyo mag-usap." Sabi pa ni Mr. Guanzon. " Hacienda?" Ulit pa ni Ricardo. "Yes, may nabiling malawak na lupain ang iyong ama sa lugar ng Silay City." Sagot ni Mr. Guanzon. "Basta yun na ang desisyon ko, kung ayaw niya akong puntahan dito sa lugar namin ay di ako pupunta sa kanya, bahala na't hindi ako yayaman. Nasanay na ako sa hirap at nasanay na rin akong walang ama." Matigas na wika ni Ricardo. Nagngitngit siyang malaman na lumaki siya sa hirap at pagtiiis, Sila ng kanyang Ina tapos malalaman nalang niyang mayaman naman pala ang kanyang ama, kung nandito lang sana ito sa panahon ng pagkakasakit ng kanyang Ina ay di sana mawala ng maaga ang nanay Rowena niya. Kung may pera lang sana sila ng nanay niya ay buhay pa sana ito. " Pero Seniorito Ricardo, Huwag kanang magmatigas, baka magagalit pa ang iyong ama, Hindi maari ang gusto mo, dapat ay ikaw talaga ang lalapit sa ama mo ngayon dahil ipinahanap ka na nga niya.. Maswerte na nga kayo dahil mayaman ang tunay mong ama at di kana kailangang maghirap pa sa buhay. " Sabi pa ni Mr. Guanzon. "Kung hindi niya magagawa ang gusto ko na siya ang pupunta sa akin at magpapaliwanag ay di ako manghihinayang sa lahat. Total, sanay ako sa hirap." Matigas na wika ni Ricardo. Napapailing nalang si Mr. Guanzon. "Okay, makakarating sa iyong ama ang mga sinasabi mo, Ricardo." Sabi pa ni Mr. Rafael Guanzon. Di naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na sa kanila. Malapit lang ang Silay City kung gustohin ni Ricardo. Nasa Silay Pala ang kanyang ama ngayon, at sila naman ay nasa Escalante lang sila nakatira. Hinahanap daw sila nito ng una sa Lugar ng Victorias dahil taga Victorias naman kasi ang kanyang inang si Rowena at lumipat sila sa Sagay City at hanggang nasa Escalante na siya ngayon nang magpakasal sila ni Elaiza. Taga Escalante kasi ang asawa. Naghire pa talaga ito ng Isang tao ang tunay niyang ama upang mahanap lang siya agad. Kung sabagay, sobrang yaman naman nito at lahat madali lang para dito basta pera na ang pakikilosin. Pero ayun kay Mr. Guanzon ay bago palang daw ito sa Silay City dahil kararating lang nito mula sa America. Siguro ilang taon itong nanirahan sa America at ngayon pa nito naiisip na may anak itong naghihirap at nangangailangan ng supporta nito. Naiinis siyang isipin na ngayon lang siya naalala ng kanyang ama sa paglipas ng maraming taon dahil yun pala'y hindi ito nagkaroon ng anak sa asawa nito ngayon, kaya napilitan itong ipahanap nalang siya. Napansin naman ni Elaiza ang malalim na pag-iisip ng asawang si Ricardo. Nilapitan niya ito at mula sa likod nito ay niyakap niya ang asawa. Ito ang laging ginagawa ni Elaiza, nasanay na siyang yakapin si Ricardo mula sa likod nito upang lambingin. "Malungkot ka ba, mahal? hindi ka ba natutuwa na mayaman ang iyong tunay na ama? ako kasi ang dapat na malungkot eh." Sabi pa ni Elaiza. Binalingan ni Ricardo ang asawa. Nakalimutan niyang nag over think pala ito at kung ano na ang iniisip nito na maitsapwera na niya ito. Pagkatapos binalingan ang asawa ay kinabig ito ni Ricardo at hinalikan. Hinayaan namang namnamin ni Elaiza ang matatamis na mga halik ng asawang si Ricardo. Sobrang mahal niya si Ricardo. Siguro kung mawawala ito ay di niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. " Mahal kita, Elaiza. At hindi mangyayaring maitsapwera kita." Sabi pa ni Ricardo sa asawa nang tigilan siya nito sa paghalik. " Talaga? mahal? gaano ka mahal, Ricardo? mas mahal mo na ba ako kaysa kay Melanie?" Tanong naman ni Elaiza rito. Natigilan naman si Ricardo sa mga tanong ni Elaiza. Kaya naiintindihan naman agad ni Elaiza na mas nananaig pa sa puso nito si Melanie. Kahit masakit ay niyakap nalang niya ng mahigpit ang asawa. "Huwag mo nang sagutin ang tanong, naiintindihan kita, Ricardo. Hindi rin madali ang lahat." Sabi pa ni Elaiza sa asawa kahit nasasaktan. Napabuntong-hininga si Ricardo. " Pwedi ba, mahal? huwag mo nang banggitin sa gitna ng pag-uusap natin si Melanie? masasaktan ka lang, ayokong masaktan ka. Ang mahalaga ngayon ay mag-asawa na tayo at mahal na rin kita. At Ikaw na ang makakasama ko at mamahalin habang buhay kasama ng mga anak natin." Sabi pa ni Ricardo sa asawa. " Oh Sige na nga, Sige na, halikan mo na akong muli." Nakangiti ng matamis na wika ni Elaiza at sabay muling napayakap ito sa sarili at kinikilig na naman. Natatawa na rin si Ricardo at niyakap ang Asawa. " 'Lika na, sa kuwarto nalang tayo. Paligayahin kita para mawala na ang pag over think mo." Pilyong wika ni Ricardo. Kailan man ay di ipagpalit ni Elaiza si Ricardo. Mayaman man ito o mahirap ay mahal na mahal niya ito. Sobrang inlove Siya nito, sa mga mata, sa alindog, sa pagka medyo dark nitong kulay at higit sa lahat sa pagkaguwapong lalaki nito at idagdag pa ang makisig na pangangatawan na halatang sanay sa trabaho. Sa loob ng kanilang munting kuwarto ay muling pinaramdam ni Ricardo sa kanya ang kaligayahan. Gusto pa naman siyang mabuntis na agad upang magkaanak na Sila ni Ricardo upang matatawag na talaga silang pamilya. Tanging mga ungol nila ang maririnig sa kanilang kuwarto. Wala naman silang kapit- bahay kaya okay lang. Pagkatapos ng kanilang pagtatalik ay bumangon agad si Ricardo. " Ako na ang magluto ng hapunan natin dahil napagod kita." Nakangiting wika ni Ricardo. At natatawa naman si Elaiza sa narinig mula sa asawa. Maligaya sila ni Ricardo at sana ay walang pagsubok na dadaan sa kanilang pagsasama..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD