Lumipas ang tatlong araw mula nang pinuntahan sila ni Mr. Rafael Guanzon ay nagtaka nalang sila nang may isang magarang sasakyan ang huminto sa tapat ng kanilang munting bahay na tinitirhan.
Lumabas ang dalawang Naka unipormadong body guard at sumunod na rin paglabas ang may katandaan ng lalaki. Mabuti naman at nasa bahay lang si Ricardo dahil araw iyon ng linggo at walang trabaho.
" Ricardo, may mga dumating." Sabi pa ni Elaiza sa asawa.
Tumayo naman si Ricardo at tiningnan ng maigi ang mga bagong dating. Isang magarang kotse iyon at may lumabas na dalawang body guard at Isang may edad na lalaki.
"Ricardo, baka siya na ang iyong ama." Sabi pa ni Elaiza.
Sila nga ang kailangan ng mga dumating at walang pag-alinlangang nagpakilala agad kay Ricardo ang matandang ama nito sabay umiyak itong napatingin sa bahay na tinirhan ng anak nito. Dapat lang pala talaga na ito ang nagpunta upang makita nito ang sitwasyon ng anak nito na ngayon pa naisipan nitong ipahanap.
" Magandang araw po." Unang bati pa ni Ricardo sa matandang lalaki na nagpakilalang kanyang ama.
"Ikaw pala ang aking anak? nang Makita kita ay alam ko agad na ikaw, dahil nakikita ko ang hitsura ko sa'yo noong kabataan ko pa." Sabi pa nito sa kanya.
Sumabay talaga ang dalawang body guard nito. Parang di naman maintindihan ni Ricardo ang naramdaman nang kaharap na niya sa Oras na iyon ang tunay niyang ama. Noong maliit pa lang siya ay pinangarap na niyang Makita ito kung ano ang hitsura nito ngunit nawalan na siya ng pag-asa nang mawala na ang kanyang Ina.
"Kayo pala ang aking ama. Ngayon, nakita mo na kung ano ang kalagayan ng anak niyo.. bakit po kayo umiyak?" Sabi pa ni Ricardo na may tonong hinanakit sa kaharap na ama.
Di niya lubos akalaing sa edad niyang Thirty ngayon ay ngayon niya makilala at makaharap ang tunay na ama. Imagine, ilang taon na siya, ni hindi siya nakapag college dahil sa hirap ng Buhay. Hanggang graduate high school lang siya.
" Patawarin mo ako, Son. Hayaan mong babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. Sumama ka na sa aKing poder anak. Ikaw ang tangi kong inaasahan sa ngayon sa lahat ng ari-arian ko. Matanda na ako, at ikaw lang nag-iisa kong anak. Pinahanap talaga kita dahil ayokong mapunta sa hindi ko dugo ang aking kayamanan." Lumuluhang wika ng matanda.
"Maari bang ipaliwanag mo kung bakit iniwan mo kami ni Nanay Rowena?" Masikip ang dibdib na tanong ni Ricardo sa ama.
" Hindi ko kayo iniwan, Nasa bente anyos palang ang iyong Ina nang mabuntis ko Siya, nais niyang magsama kami at kayo ang pipiliin ko. Pero hindi naman kasi maari iho dahil may asawa ako. Bago ko nakilala ang iyong Ina ay limang taon na akong kasal sa aking asawa, gusto kong supportahan ko lang kayong mag-ina ngunit lumayo sa akin ang iyong Ina habang buntis siya sa'yo. Kaya wala akong nagagawa, at sa kasawiang palad din ay di kami biniyaan ng anak ng aKing asawa hangga't namatay nalang ito. Muli naman akong nag-asawa ng isang biyuda din katulad ko ngunit ganoon parin, di ako nagkaanak sa ikalawang asawa ko. Sana mapatawad mo ako iho, wala akong intensyon na mapabayaan ka, ang iyong Ina ang kusang lumayo sa akin, di ko rin siya pweding hanapin noon lalo na't nalaman noon ng aking asawa na karelasyon ko ang iyong Ina." Mahabang salaysay ng kanyang tunay na ama.
"At patawarin mo ako na ngayon lang kita pinahanap. Sumama kana sa akin iho." Patuloy na wika nito habang lumuluha.
" Papa.." Umiiyak na ring sambit ni Ricardo at niyakap ang kanyang matandang ama.
Natuwa naman ito at niyakap din siya nito ng mahigpit. Ngayon siya nalinawan sa lahat, kung bakit lumaki siyang wala ang kanyang ama sa kanyang tabi.
Pagkatapos ng lahat ay sumama nga sina Ricardo at Elaiza sa tunay na ama ni Ricardo. Dumating sila sa Hacienda Saavedra na pagmamay-ari ng kanyang ama sa may Silay City. Namangha pa si Ricardo sa malawak na hacienda na pinapalibutan ng pader at sa loob nito ay maraming makikita sa unahan na mga alagang baka, kambing, kalabaw, kabayo at Karnero habang nangigingnain. Sa gitna naman nito ay nakatirik ang malaking Villa Saavedra. Nabili daw ito ng kanyang ama pati na ang malaking Villa. Dahil mas gugustuhin na nitong sa ganoong payapang Lugar na ito manirahan. May mansion ito sa America at ganoon din sa manila. Akala ng mga kakilala nito na Isa itong bilyonaryo ngunit ang di alam ng mga kakilala na Isang secret Trillionaire si Mr. Manuel Saavedra.
Tumira sila sa malaking Villa Kasama ang asawang si Elaiza. Noon naranasan ni Ricardo at Elaiza ang marangyang pamumuhay. Lahat ng mga katulong sa Villa ay Seniorito ang tawag kay Ricardo, Hindi sanay noong una si Ricardo ngunit sa kalaunan ay nasanay na rin siyang tinawag siyang Seniorito at ginagalang ng mga tauhan sa Hacienda at ng mga katulong sa Villa. Maging si Elaiza ay Nagiging Seniorita din sa Hacienda dahil siya'y Asawa ni Ricardo. Mas gumanda pa si Elaiza nang naging maganda na ang kanilang kalagayan dahil nabibili na nila ng asawang si Ricardo ang kanilang pangangailangan, tulad ng mga bagong damit at mga gamit para sa katawan. Mas lumitaw din ang kaguwapohan ni Ricardo nang isa na itong Seniorito ngayon. At ito na ang namamalakad sa buong hacienda. Iba't ibang produkto lang ang makikita sa loob ng Hacienda Saavedra. May malawak na prutasan at may mga malapad na gulayan at mga mamahaling gulay Ang nakatanim at naging produkto sa Hacienda, hindi Sila nagpapatanim ng mga gulay na mura, sa tuwing magharvest ay ilang tolenadas din ang makukuha ng mga tauhan . May mga nakatukang tauhan namang mag-alalaga sa mga ito pati na sa mga maraming kahayupan. At si Ricardo ang nagsasahod at naglilibot upang i-check ang mga trabaho ng mga tao sa Hacienda nila.
Isang araw naman ay dumating galing sa maynila ang pangalawang Asawa ni Don Manuel Saavedra, Kasama ang anak nitong lalaki na si Paulo. Lihim na ikinagalit ni Seniora Teresa at ng anak nitong si Paulo na ipinahanap talaga ni Don Manuel ang anak nitong si Ricardo. Labag sa kalooban ng mga ito na nasa Hacienda na ngayon si Ricardo. Ngunit Walang magawa ang mag-ina sa kagustohan ni Don Manuel. Inggit na inggit si Paulo Kay Ricardo Lalo na't nalaman nito na si Ricardo talaga Ang pamanahan ng amaing si Don Manuel sa lahat ng mga ari-arian. Akala kasi ng mag-ina na wala talagang anak si Don Manuel dahil natatakam Ang mga ito na si Paulo ang maging tagapagmana sa lahat. Subalit Hindi na iyon matutupad dahil naroon na si Ricardo, ang heredero ng buong angkang Saavedra. Hindi lang kasi sa ari-arian ng ama magmamana si Ricardo kundi pati na rin sa Ari-arian ng tiyuhin nito. May anak sanang isa Ang tiyuhin ni Ricardo ngunit namatay naman sa aksidente ang pinsan ni Ricardo. Kaya ngayon natuwa na rin ang tiyuhin nang matagpuan at Makita si Ricardo dahil ito na rin ang magmamana sa Ari-arian ng Tiyuhin. Kaya matatawag na si Ricardo ang tagapagmana sa buong angkang Saavedra. At umaasa ang kanyang ama at tiyuhin na padadamihin niya ang kanilang lahi sa huling mga araw, upang dadami ang mga Saavedra na nagmumula sa lahi nila. Ngunit si Elaiza ay hindi pa nabuntis. Pero di naman sila nawawalan ng pag-asa nang kapwa magpa check-up si Elaiza at Ricardo, wala namang baog sa kanila kaya't maghintay nalang sila sa tamang panahon ng pagbubuntis ni Elaiza. Total, bata pa naman si Elaiza, twenty-two palang ito. Eight years ang gap nila ng asawang si Ricardo.
Pakitang tao lang ang pakikihalubilo ni Seniora Teresa at ng anak na si Paulo kay Ricardo. Hindi rin Kasi pweding ipakita ng mag-ina na galit sila at baka Sila pa ang mapalayas ni Don Manuel ng wala sa Oras. Ngunit nang Makita ni Paulo si Elaiza ay lihim na nagkagusto si Paulo sa Asawa ni Ricardo. Napapansin din ni Elaiza ang kakaibang mga titig sa kanya ni Paulo ngunit di niya iyon pinansin. Pero di naman niya maiiwasang makadama ng pagkatakot Kay Paulo dahil sa malalagkit na mga titig nito sa kanya.
Isang Umaga ay maagang nangabayo si Ricardo at si Elaiza naman ay nakasabay mag-almusal Ang mag-inang Paulo at Seniora Teresa pati na rin si Don Manuel sa Komedor ng Villa.
" Where's my son, iha Elaiza?" Tanong pa ni Don Manuel sa kanya.
" Ahh.. maaga pong lumabas Papa, nangabayo, may dadalawin lang daw ito saglit sa Isa sa mga bagong tanim na produkto." Sagot ni Elaiza sa ama ng Asawa.
" Ganoon ba. Nag-almusal sana muna siya bago umalis." Sabi pa ni Don Manuel.
"Napakabait ng iyong anak, Manuel.. ang swerte mo, hon." Plastik pang wika ni Seniora Teresa.
"Yes, Tito. Tama si Mama, napakabait ni Ricardo, parang ako lang." Nakangiting sabad ni Paulo.
Lihim na pinandilatan ni Seniora Teresa ang anak na si Paulo.
"Sayang nga Ang mga panahon na hindi ko nakasama ang aking Unico hijo." Sagot din ni Don Manuel.
" Dapat sana Elaiza ay isinama ka ni Ricardo, naku, baka mapapalitan ka ni Ricardo, alam mo na, guwapo at isang heredero ang asawa mo kaya di imposibleng may mga babaeng aakit sa kanya." Nakangising kindat pa ni Paulo kay Elaiza.
Natigilan naman si Elaiza sa mga sinasabi ni Paulo sa kanya.