Paglipas ng mga araw ay nawala na ng tuloyan ang pag- overthink ni Elaiza sa kanyang asawang si Ricardo. Damang-dama niya kasi ang sobrang pagmamahal ng asawa sa kanya kaya kampante na siya at nakatatak sa isipan niya na hindi siya lolokohin ng Asawa dahil mahal na mahal siya nito. Sa isang linggo ay may schedule na lakad ang asawang si Ricardo at ayun dito ay may sinimulang negosyo daw ito sa kabankalan at dinadalaw lang nito everyweek. Kaya nga ng araw na iyon ay wala na naman ang asawa niya at nasa Kabankalan ito upang i-check nito ang sinasabing negosyo nito. May malaking shares daw Kasi ito sa isang malaking kompanya sa maynila at taga Kabankalan lamang ang kanyang ka shares at Minsan ay aabot ng tatlong araw si Ricardo na Hindi makakauwi sa Hacienda dahil magpa maynila daw ito para s

