May kakaibang napansin naman si Ricardo sa kanyang asawa, para bang nawala bigla ang init na pag response nito ngayon sa kanyang mga halik. Pero naisip naman niya na baka totoong masama lang talaga ang pakiramdam nito kaya hindi na niya binigyan pa ng malalim na kahulogan ang kanyang napapansin rito. Pilit namang pinakisamahan ni Elaiza ang asawa kahit masamà ang kanyang mga iniiisip tungkol rito. Gagaan lang muli ang kanyang pakiramdam kung mapatunayang hindi totoong nagsinungaling ito sa kanya. At kung sakaling nagsinungaling nga ito at totoong nasa Bacolod lang pala ito ay alamin muna niya kung bakit at kung ano ang ginagawa nito sa Bacolod. Baka kung importante lang din at hindi lang sinadya nito na hanggang sa Bacolod lang pala ito. Saka nalang talaga Siya mag judge ng buo rito

