NAPAYAKAP NA LANG kami sa isa’t isa ni Atlas matapos naming magbihis. Napahiga siya muli sa kama at agad naman akong tumabi sa kanya. Niyakap ko siya para iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya. Pagmamahal talaga? Mahal ko na ba talaga siya? Ang sagot ay oo. Hindi naman siguro ako magkakaganito sa kanya kung hindi ko pa siya mahal. Sabihin na nating ang bilis. Isang linggong pag-ibig. Pero iyong isang linggo na iyon, sapat na iyon para mahalin ang isang tao. Kaya masasabi ko talaga na siya na ang the best kilig ko. Kahit siya, naramdaman ko na ako na rin ang the best kilig niya. Alam ko na sa mga darating na araw, mas lalalim pa itong pagmamahalan naming dalawa. Bale masasabi ko na ito pa ang simula. Maihahalintulad ko ito sa pagtatapos sa kolehiyo. Doon naman talaga natin masasabi na iyo

