“CONGRATULATIONS, MS. MIRA. You are three weeks pregnant. Wishing you health and happiness as you begin this new adventure,” sabi ng doctor. Napalingon kami ni Sir Arquil sa isa’t isa at hindi ko mapigilan na mapangiti. Nakita ko naman ang saya sa kanyang mukha. Hindi ko rin siya masisisi roon dahil ito ang kauna-unahang apo niya. “Congrats, Mira! Sigurado akong matutuwa rito ang anak ko,” sabi ni Arquil. “Thank you, Sir Arquil,” sabi ko. Nilingon ko ang doctor. “Thanks, Doc.” “Hindi pa rin pala gumaling ang anak mo, Arquil?” tanong ng doctor. Napabuntonghininga siya. “Kung hindin pa iyon gumaling, malamang panget pa rin ako sa kanyang paningin.” Napangiti si Sir Arquil. “Grabe ka sa panget. Hindi lang pasok sa pamantayan ng anak ko—anak ko lang. Subjective naman ang ganda.” Nilingon

