NANDITO KAMI SA opisina ni Atlas para magtrabaho. Noong una ay ayaw niya na magtrabaho ako at baka may mangyari raw sa bata. Ipinaliwanag ko sa kanya na walang mangyayaring masama sa akin kung mag-iingat ako. Mabuti na lang at nakinig siya sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganoon dahil katulad nang paulit-ulit kong sinasabi, kulang siya sa karanasan kaya wala siyang alam sa ibang mga bagay. Kung tutuusin, labis ang saya ko na grabe siya mag-aalala sa amin ng kanyang anak. Nakikita ko na tuloy ang future ko sa kanya. Alam ko na nasa tamang lalaki talaga ako. Kahit ganoon si Atlas, alam ko na ibibigay niya talaga ang lahat sa amin ng bata. “Panget ba ang bata kapag lumabas na p***y?” biglang tanong ni Atlas. Napatigil ako sa pagtitipa at napalingon sa kanya. “Hindi naman. Pe

