KABANATA 64

2009 Words

PAGPASOK PA LANG namin sa loob ng bahay ay agad akong tiningnan ni Cheska mula ulo hanggang sa paa. Napataas naman ang kilay niya nang makita ang maleta na bitbit ko at ni Tito Arquil. Napailing siya at halatang ayaw niya na rito ako sa kanila titira. Hindi niya talaga ako matanggap bilang partner ng baby boy niya. “Alam kong alam mo kung ano ang ibig sabihin nito, Cheska. Dito na si Mira titira sa atin. Buntis siya,” sabi ni Tito Arquil. “Nagpabuntis. Iba iyon. Gawain iyon ng desperada,” sagot ni Cheska. Inalayan niya ako ng ngiti. “May something in common din pala tayong dalawa. But to tell you honestly, I commend you. Hindi ka man lang nahirapan sa anak ko. I bet, pinagsamantalahan mo ang kahinaan niya.” “Cheska, please? Mabuting babae si Mira,” sabi ni Tito Arquil. “Mabuti? ’Wag mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD