“BAKIT KAYA HINDI ito sinabi ng Kuya mo na nakabisita na siya sa Mommy ninyo?” tanong ni Daddy Hector. Napabuntonghininga ako. “Ewan ko na talaga riyan, Dad. Ano na naman kaya ang idadahilan niya? Ang dami na niyang inilihim sa atin. Mas mabuti pa sigurong pauwiin mo na iyan. Ako na ang bahala rito.” “Paano kung hindi sasama?” “At talagang may problema na sa kanya. Ang linaw ng goals namin kung bakit kami nandito. Pero heto siya acting crazy. Nakapagtataka talaga,” sabi ako. Habang papalayo sila Kuya, napabuntonghininga na lang ako. Hindi ko na talaga siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganoon. Ano kaya ang pinakain ng mga Consunji sa kanya? Hindi man lang siya naawa kay Daddy. Alam ni Kuya Aiden kung gaano nasaktan si Daddy sa pagkawala ni Mommy, pero ito siya at panay tago ng

