PAG-ALIS NI SIR Arquil ay agad na akong bumalik sa loob ng opisina ni Sir Atlas. Masaya naman akong ibinalita kay Sir Atlas ang tungkol sa magandang balita ng kanyang ama sa akin. Pagkasabi ko pa lang sa kanya, agad siyang napayakap sa akin. Kinarga rin niya ako na katulad nang ginawa sa akin ni Daddy kahapon. Ang pinagkaibahan nga lang, pinaikot-ikot niya ako. Hindi rin nagtagal ay agad siyang huminto at umupo. Hindi ko naman mapigilan na matawa nang makitang napahawak siya sa kanyang ulo. Hindi rin halata na nahilo siya sa kanyang ginawa sa akin. “Okay lang po iyan, Sir. Cute ka pa rin namang mahilo,” natatawang sabi ko. “Pakisuyo nga ng malamig na tubig,” aniya. “Sure,” nakangiting sagot ko. Ginawa ko ang inutos ni Sir. Pagkabalik ko kung saan siya nakaupo, inabot ko na sa kanya an

