PAGPASOK PA LANG ni Kuya sa condo ay pinakita ko agad sa mukha ko ang inis ko sa kanya. May gana pa talaga siyang magpakita sa amin matapos ang ginawa niya sa amin. Masakit man isipin, pero pagtatraydor na iyong ginawa niya sa amin. “Let me explain,” sabi ni Kuya Aiden. “You should. After what you did to us? Kuya, ang laki ng tiwala namin sa iyo. Pero ano itong ginagawa mo sa amin!?” sabi ko. “Wala akong ginawa,” katuwiran niya. “Wala? Talaga? So anong tawag mo sa pagsisinungaling mo sa amin? Kuya, you betrayed us,” sabi ko. ”I have my reasons why I kept it by myself.” “Ano? Sabihin mo nang gumaan itong nararamdaman namin ni Daddy,” sabi ko. Kailangan ko na talagang ilabas itong inis ko sa kanya. “D-Dahil kanina lang din niya ako sinama sa puntod ni Mommy. Nangyari ito nang matapos

