HINDI KO NA alam kung ano ang mangyayari sa pamilya namin pagkatapos nito. Alam ko na naging matapang lang si Kuya sa nararamdaman niya, pero hindi ko maitatangi ang katotohanan na masakit ito para kay Daddy. Walang kaalam-alam si Daddy na ganoon na pala ang naramdaman ni Kuya sa kanya. Bagaman minsan ay ganoon din ang nararamdaman ko pero mas pinili kong intindihin ang lahat. “P-Pasensiya ka na, Aiden, kung iyan ang nararamdaman mo. P-Patawarin mo si Daddy,” sabi ni Daddy. Napahagulgol na lang ako nang marinig na magsalita si Daddy. Hindi ko pa rin sila magawang tingnan. Nasasaktan ako para sa kanila. Hindi ako handa sa eksenang ganito. Ang bigat sa pakiramdam. “Tama ka nga. Sa sobrang pagmamahal ko sa ina ninyo, nakalimutan ko kayo. Hindi man iyon ang intensiyon ko, pero iyon ang nar

