CHAPTER 3: Thank You

509 Words
Ren POV: Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon na hanggang ngayon ay wala paring maiturong suspek ang mga pulisya. Ang sabi ng mga ito ay masyado malilinis ang pagkakapatay kila auntie kaya nahihirapan silang maghanap ng ebidensyang magtuturo sa suspek. Hanggang ngayon ay hindi pa din nasasagot ang mga katanungan sa aking isip kaya naman hindi ako makapag focus sa tinatalakay ngayon ng filipino teacher namin. **** Natapos ang klase ng wala akong naintidihan halos ang aking isip ay nakatuon sa ibang bagay. Nilingon ko si Kai sa aking likuran na ngayon ay papalapit sa akin. "Tara sa rooftop" maikling yaya nito sa akin na agad ko namang ginawa. Minsan lang maging tahimik si Kai kaya kahit ang mga teacher namin ay nagtataka kanina kung bakit sya tahimik. Pero hindi naman nakakapagka kung maging tahimik si Kai dahil sa oras na ito pareho ang nasa isip namin at yun ay kung sino ang maaaring gumawa noon sa kanila. *** (Rooftop) Umupo ito sa sahig na sya ko namang ginaya. Luma na ang building na ito at hindi na pinapasukan kaya madalas kami dito dahil walang tao.Ako ang nagsuggest sa kanya na dito kami tumambay dahil ayoko sa mga mataong lugar. "May alam ka bang pwedeng gumawa non kila auntie mo?" seryosong tanong nito sa akin na iniilingan ko naman. Sa totoo lang wala akong idea kung may kaaway o kagalit sila auntie dahil hindi naman kami ganoon nag-uusap. Kung may nakagalit man sila hindi nako magtataka kung hahantong ito sa nagyari dahil narin sa ugali nila. "Hmmm" "Sino nga kaya ang gagawa non sa kanila" "Ano kaya intensyon nila" "AHHHHH ayoko na sumasakit na ang ulo ko,bakit ko ba sila pinoproblmea samantalang hindi naman maganda ang pagtrato nila sayo." Kasabay nang pakikipagtalo nya sa kanyang sarili ang paglakad nya pabalik-balik habang nakahawak sa kanyang baba . Sinamaan ko ito nang tingin dahil kanina pako nahihilo sa paglakad lakad nya sa harap ko. Agad naman syang huminto at umupo sa tabi ko. "Tss. Sino ba kasing nagsabi na isipin mo yan. Sa totoo lang hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa." "Sa totoo lang may point ka. Ngayong wala na sila wala nang magpapahirap sayo kaso nga lang hindi bat may gusto kang itanong sa kanila,paano mo na matatanong yan sa kanila?" napaisip ako sa sinabi ni Kai. Tama sya may gusto akong itanong sa kanila pero hindi ko rin naman sigurado kung ang sagot na makukuha ko sa kanila ay tama at ang tanong sasagutin ba nila ang tanong ko?. "Kahit naman magtanong ako sa kanila hindi ko pa din sigurado kung may sagot akong makukuha sa kanila." Tumango naman si Kai at hindi na muling nagtanong. Alam kong hindi madaling burahin sa isipin ng isang tao ang nangyari kila auntie pero para sa amin ni Kai madali lang burahin ang bagay na ito. Lalo na't hindi naman maganda ang pagtrato nito sa amin. Tumingala ako sa kalangitan at ngumiti. 'Thank you. Kung sino ka man,hindi mo hinayaang dungisan ang aking mga kamay.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD