Ren POV:
"Ren sabi mo sasama ka ah,wala nang bawian" napahawak na lang ako sa aking noo ng muling ulitin ni Kai ang sinabi nya kanina.
Magkakaroon kasi kami ng school trip at ilang beses niya na akong kinukulit. Noong nakaraan kasi na nagkaroon ng school trip ay hindi ako nakasama dahil hindi ako pinasama ni auntie. Sabi sa akin ni Kai na wala naman na daw si auntie kaya pwede na akong sumama na sya ko naman tinanguan na lang.
"Lee sasama ka din diba?diba?" Inangat ko ang aking ulo upang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Ngunit kagaya ng dati, naka poker face lang ito. Marahan naman itong tumango na kinatalon naman ni Kai. Hindi pa ito nakuntento at inuga-uga pa ako habang nakabungisngis.
Ilang saglit pa ay nagpaalam muna sa amin si Kai para pumunta sa cr. Lumingon ako kay Lee na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"Pftt" napaangat ang aking kilay nang makita syang nagpipigil ng tawa.
'Marunong pala syang tumawa' natatawa kong sabi sa aking isip na ikinaseryoso ng mukha nito at saka nag-iwas ng tingin.
'Ang weird nya talaga hanep'
****
"Dito ka Lee,dali" napailing nalang ako nang hatakin ni Kai si Lee na dahilan para mapaupo ito sa tabi nya. Bale tatlo kasi ang upuan ng bus na ito. Ako ang malapit sa bintana,si Kai naman sa gitna at sa katabi naman nito ay si Lee.
"Okay students nandito na ba ang lahat?" Tanong ng aming guro.
"Yess sir" sabay sabay naming sagot sa kanya.
Nagsabi lang ng ilang mga reminder si sir at saka pumunta sa harap. Ilang saglit pa ay umandar na ang bus.
"Kai COD tayo" pag-anyaya ng isa namaing kaklase kay Kai.
"Sige,game ako dyan" excited na sagot naman ni Kai dito. Nagpalit si Kai at Lee ng upuan para daw mas magkaintindihan sila at hindi maistorbo si Lee na ikinapayag naman nito.
"Gusto mo makinig?" Pag-aalok ko ng headset kay Lee na sya naman nyang inabot at sinuot sa kaliwang tainga niya.
*****
"Ren,wake up we're already here" iminulat ko ang aking mata at naramdaman ang balikat ni Lee.
'Wait balikat?' agad naman akong tumayo nang mapansin kong ginawa ko palang unan ang balikat ni Lee at humingi ng sorry dito. Tumango lang naman sya at nauna na sa akin lumabas ng bus.
'The heck nakakahiya'
Nandito kami ngayon sa ilalim ng bundok,dito kami ngayon nag camping dahil sa beach na daw noong nakaraan kaya para mabago naman daw dito nila naisipan na mag school trip ngayong tao.
Ngayon ko lang naranasan magkaroon ng school trip sa bundok dahil sa dati kong school madalas sa mga park kami pumupunta.
Pagkatapos namin magpahinga ay pinagsimula na kami ni sir na itayo ang aming tent. Kagaya nang inaasahan sila Lee at Kai ang kasama ko sa tent.
****
"Hoi Ren hindi ka pa ba matutulog,anong oras na kaya puro ka nalang basa. Bahala ka lalabo mata mo" napataas na lang aking kilay nang marinig ang pagsesermon ni Kai.
"Tss. Makapagsalita ka ah,ikaw nga rin hindi ka pa din natutulog" pagkasabi ko noon ay nakita kong umirap sa akin si Kai.
" Hindi mo naman ako kagaya na nagbabasa" sabay dila nito sa akin.
"Hindi ka nga nagbabasa,nagcecelphone kana naman."pagbawi ko dito na kinasama ng tingin nito sa akin at ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. Napansin ko naman na napailing si Lee sa sulok.
'Eh? Hindi parin sya natutulog?'
Babatiin ko na sana sya kung bakit gising pa sya ngunit tumalikod na ito sa amin. Hindi ko naman na ito pinansin at sinara ang libro.
"Matutulog kana?" Lumingon ako dito at saka tumango. Nakita ko naman syang pinatay ang kanyang cellphone at saka ako ginaya mahiga. Magkatabi kami ni Kai at katabi nya naman si Lee.
Pagkatapos ko magmuni-muni ay pinikit ko na ang aking mata at natulog.